Chapter 29

50 2 0
                                    

Minrod's POV

May nakalimutan akong sabihin kay Ashika, ang tanga ko para makalimutan to. Her mom, she's her mom. Agad akong naglakad takbo para marating ang library kung nasaan siya. Pero napatigil ako sa paglalakad ng nakita ko siyang nagmamadali at wala sa sariling nag lalakad. Ni hindi niya nga ako napansin eh. Kaya naman, nung akma ko na siya lalapitan ay biglang may tumakip sa bibig niya, nakatakip ang mukha nito at hindi ko talaga makita ang mukha niya!! Bigla niya itong isinakay sa itim na Van. Kaya naman nag madali akong pumasok sa kotse ni Ashika ng makita kong nakasalampak na ang susi niya.

Hindi na ako nag aksaya ng panahon dahil ayokong may gumitna sa sasakyan na ito at sa itim na van na iyon, baka hindi ko siya masundan.

Halos isang oras na itong nag dadrive at nauubusan na ito ng gas. Kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tawagan si Mark, sinabi ko sa kaniya ang nangyari at sinabi ko rin na mauubos na ang gas nitong sasakyan ni Ashika. May motor naman daw siya at madali siyang makakapunta kaya naman ng makita ko ang mukha niya sa likod ay sinigawan ko siya.

"Hey, sundan mo yung sasakyan na yon.  Itetext mo na lang sakin yung lugar kung san siya dadalhin. I'm not asking for help. It's just that I don't have a fucking gas." sigaw ko at hindi na niya ako sinagot dahil nagmadali na siyang sundan yung sasakyan. Naghanap na ako ng gas station, and successfully may nahanap agad ako.

He texted me.

From: Mark
I'm here, di ko alam kung anong lugar to pero deretso ka lang sa dinadaanan mo, tapos may kanto dyan. Just turn right. Kanan ka lang ng kanan sa bawat lilikuan mo. May mararating ka na malaki na lumang bahay at may mataas a gate.

What the fuck is this instruction? 
Napabuntong hininga ako at sinundan na lang ang sinabi niya. Nakarating ako sa malaki at lumang bahay na may malaking gate na kalawangin na.

Pumasok na ako at naramdaman ko ang dumi sa lugar. Kadiri. I don't like messy stuff, what the fuck are they going to do with her!!?

Napatago ako sa isang malaki at maduming cabinet dahil may nagsalita na dalawang lalaki

" Sa tingin mo anong gagawin ni Madam sa kaniya? "

"Gising na yung batang babae, maganda siya. Ang ganda nung labi niya, grabe" nag init ang ulo ko nung narinig ko yun kaya naman lumabas na ako ng hindi nila namamalayan at agad na sinipa sila sa batok. Gaganti sana ang kasamahan nito pero hindi ito nagtagumpay dahil akmang lalapit pa lamang siya ay buong pwersa ko ng sinuntok ang mukha niya.

Stupid.

Ashika's POV

Hindi ko maintindihan kung nasaan ako. Sobrang dumi ng lugar na ito at unti unti na akong hindi makahinga. Bawal ako sa maalikabok. Ang asthma ko. Maya maya ay may lumitaw na babae sa harapan ko at nakangisi siya sa akin.

"Ashika Jane De Juan. " nakangisi niyang tawag sakin

"Sino ka? Bakit kilala mo ako?"

The awful revengerWhere stories live. Discover now