Nagulat rin ako sa sinabi ko.
"Simula nung nalaman ko na ampon ako, lahat nagbago. Sobrang stress ako sa trabaho, sobrang stress na ako sa pag-aaral. Sobrang stress na ako sa buhay ko. Hindi ko na matagpuan si Ashika. Bakit ba ganito? "
"Bumalik ka na sa bahay. Mag focus ka na lang sa pag-aaral mo. "
"Madali lang sabihin sayo yan, dahil hindi naman ikaw yung ampon . Kuya you don't know how much it hurts everytime I saw your faces. Ang sakit kuya" sabi ko at tinalikuran na siya. Pumunta ako sa garden nitong school at doon umiyak, salamat at wala masyadong tao
"Sa tingin mo hindi sila nasasaktan?" nagulat ako ng magsalita si Minrod sa likod ko.
"Stop being with me, when I need someone." sabi ko at kinagulat naman niya. "Hindi ko kailangan ng taong mabait sakin at masungit at the same time. Ganon ka Minrod, tinulungan mo ako pero out of the blue, nag iba ka nanaman bumabalik ang Minrod na una kong nakilala. "
"You wanna know the reason?" walang emosyon niyang tanong "I'm jealous. Because I like you"
Himinto ang pag tibok ng puso ko. Wala akong ibang makita kung hindi siya kahit na may padaan daan naman na tao dito sa may garden pero sa loob ay kami lang ang tao. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko pero parang tama naman nga.
"Yes, I like you Ashika"
Faith's POV
Simula nung mag usap si kuya Ashley at Ashika ay nawala na ito. Hindi kami tumigil kakahanap pero nakita kami ni dean na naglalakad sa labas kaya naman pumasok na kami sa classroom.
Nasan ka na ba?
Tinatawagan namin siya pero di talaga namin siya macontact. San ba nagsuot ang babaeng yon. Tiningan ko ang cellphone ko nung tumunog ito, at halos mapatalon ako nung nakita kong si Ashika ang nagtext.
From: Ashika
I'm okay. But can you please come here? In my condo, see you:)Hindi na ako nakapag paalam sa next lecturer dahil pumunta na ako sa condo niya. Tinext naman niya sakin ang number ng room niya, at sinalubong niya ako. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko ang linis nito. Nakakamangha na stress na siya pero malinis pa rin siya.
"Pinagluto kita ng favorite mo. Rice na may hotdog at itlog" napangiti naman ako.
"So why do you need me?" nakangiti kong tanong
"I don't know, sorry kailangan ko lang kasi talaga ng makakasama sa ngayon. "
"Magkwento ka makikinig ako" sabi ko habang ngumunguya na.
"Do you remember our review? Yung review namin ni Minrod" sabi niya at tumango naman ako. "That time, nagkaayos na kami. Tapos nung pumunta tayo sa Cavite, then tumabi siya sakin non. I don't know pero that time wala akong naiisip na dahilan niya para lumapit siya sakin. Although yes, maayos naman na kami pero yung biglaan siyang lalapit na parang ok na ok ako sa kaniya, I mean sakin ok lang pero sa kaniya? I don't think so. Laking pasasalamat ko at nandon siya nung panahon na kailangan ko ng kausap nung nalaman ko na ampon lang ako, nandon siya. Sa tuwing umiiyak ako, nandon siya. Siya nga nagbigay sakin ng trabaho at netong condo eh. babayaran ko daw next month , wag na daw muna ngayong month. Tapos nung araw ng debate namin, hindi man lang siya nag text na may debate pala kami that day, although it's my responsibilty to remember that pero diba ano ba naman yung sabihin niya lang sakin? Sobrang cold niya sa akin non. I don't know why. tapos kanina after ko makausap si kuya, pumunta akong garden I don't know if that's coincidence, nandon siya tapos sinabi ko sa kaniya kung bakit parang di ko siya maintindihan and ang sabi niya sakin 'You wanna know the reason? I'm jealous. Because I like you' " kwento niya na nasa malayo ang tingin pero di naman ako nagulat kasi nakain ako eh. "Hey, nakikinig ka ba?"
YOU ARE READING
The awful revenger
RandomTungkol ito sa isang nerd girl who turned into unexpected one. (This is just a fiction. Walang katotohanan ang storyang ito, at kung may pagkakatulad sa ibang story ay HINDI KO PO SINASADYA)