CHAPTER 2
Kailangan kong gumawa ng Todo List para bukas dahil wala naman kaming pasok dahil sabado. Mag-iisip ako para mapansin niya ako. Ayy wala pala akong isip pa'no na kaya 'to? Teka bakit nga ba Todo List tawag don ehh 'di ko naman itotodo 'yong feelings ko sa kanya? 'Di bale na nga! Basta bukas magpapapansin ako sa kaniya.
Maaga akong gumising dahil excited akong ipakita ang bataan ko sa kaniya ayy mali magpapansin pala sa kaniya.
"Bakit naman anak ang aga mong gumising ngayon? Kapag may pasok tanghali kang gumising, kapag naman walang pasok ang aga mong gumising anak sabihin mo nga sa'min. Nagdodroga ka ba?"
'Di ko talaga alam kay Nanay parang siya yata ang nagdodroga sa'ming dalawa eh. Kapag ang aga kong nagising, magbubunganga tapos kapag tanghali akong nagising magbubunganga din! Hayst nakahitit ata si Nanay ng katol eh.
"Nay naman masaya lang naman po ako ngayon kaya maaga akong nagising."
"Hay anak kapag nalaman ko talagang magdodroga ka ipapatokhang talaga kita 'di ako magdadalawang isip."
Napailing ako sa sinabi ni Nanay. Bili kasi siya ng bili ng katol ayan tuloy naadik. Jusko Lord pa'no ba gagaling si Nanay. Ano na po ba nangyayari sa kaniya?
Agad akong pumunta sa banyo para maglinis ng katawan para mabango ang amoy ko kapag nagpapansin ako kay Dominique Dela Peña ang gwapo at hot naming kapitbahay. Tatlong taon lang ang tanda niya sakin. Sabi nga nila age dozen mother ba 'yon? Basta ganon 'yong naririnig kong kasabihan kapag matanda 'yong isa sa mga magkasintahan.
Inamoy ko muna ang katawan ko bago maligo. Okay naman pala 'yong katawan ko kailangan ko na lang maghilamos. Tinatamad na din kasi akong maligo ngayon. Sobrang lamig kasi dito. 41°C lang naman ang init factor eh. Summer na summer sobrang lamig. Nang matapos akong maghilamos ay agad kong kinuha ang pabango sa bag ko. Nakalimutan kasi itong kunin ni Hopia. Sobrang bango nito kaya 'eto 'yong ginagamit ko. Agad ko itong inispray sa katawan ko para magmukha akong mabango.
"Anak ano ba 'yong umaamoy na 'yon?" tanong ni Nanay.
"Alin nay ako? Pabango ko siguro 'yong naaamoy mo."
"Hindi anak amoy aso eh!" Hinanap niya ang amoy hanggang sa mapunta siya sa damit ko.
"Anak 'di ba naligo ka?"
"Hindi nay, tinatamad akong maligo kaya nagpabango na lang ako."
"Anak bakit ganyan 'yong amoy mo? Amoy kang aso! Tamang tama 'yong ipinangalan ko sa'yo!"
"Ha? Nay naman eh kayo nga pabango niyo amoy patay pinansin ko ba?" saad ko.
"Oo nga ate amoy aso ka." singit naman ni Buknoy. Siya ang kapatid kong bunso.
Agad akong nagtungo sa kwarto ko at binasang mabuti 'yong pabango.
"Expiration Date: 01-20-15"
BINABASA MO ANG
Ang HOT kong Kapitbahay
Teen FictionMeet Pulgosa Geronimo. Isang babae na umaasa sa crush niyang si Domique Dela Peña. Lahat ng paraan ay hahamakin at gagawin niya para lang mapansin siya nito. Magugustuhan kaya siya ni Dominique? Magiging happy kaya ang ending ng love story nila?