CHAPTER 12
Kinagabihan ay marami ng tao sa harapan ng bahay namin. Do'n kasi ni Nanay naisipang ganapin ang birthday ko dahil maluwag. Kiinakabahan ako. Ngayon lang ako nagsuot ng ganito. Bago ako umalis sa kwarto ko ay nagpabango ako. Matagal ng nakaimbak sa cabinet ko ang pabango na 'yon pero 'di ko ginagamit. Tiningnan ko ang expiration date ng pabango dahil baka expired na naman pero hindi pa.
Paglabas na paglabas ko pa lang ng kwarto ay 'di ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Parang hihimatayin ako kahit anong oras dahil sobrang dami ng tao.
Paglabas ko ay bumungad sa akin sina Nanay. Nagulat sila dahil sa itsura ko.
"Teka, nasan na si Pulgosa? Napakatagal naman no'n!" saad ni Nanay.
Tinawanan ko na lamang ang sinabi niya. Hindi sila makapaniwala sa naging itsura ko, mas lalong hindi din ako makapabiwala nung una na magiging ganito ako kaganda ngayong gabi.
"Anak ikaw na ba 'yan?" tanong ni Nanay.
"Oo nay, hindi nga din po ako makapaniwala eh." saad ko.
"Oh siya tara na muna at naghihintay na 'yung mga bisita mo sa labas." napangiti na lamang ako sa sinabi ni Nanay dahil alam kong nandito din si Dominique.
Agad hinanap ng mga mata ko si Dominique kung nasaan siya. Nakita ko siya sa isang gilid kasama 'yung gf niya yata 'yon. Lumawak ang ngiti ko ng makita ko siya, hindi ako nagkamali! Pumunta nga siya.
Mayamaya pa ay lumapit siya sa akin at 'yung babaeng kasama niya.
"Happy Birthday! You look so beautiful!" saad sa akin ni Dominique sabay abot ng regalo niya. Bumilis ang tibok ng puso ko at namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
"Oo nga you look so gorgeous!" dugtong naman ng kasamahan niyang babae sabay beso.
Nag-umpisa na 'yung party ko. Sobrang saya ko ngayon dahil nandito si Dominique. Hindi ko maipaliwanag ang kilig na nararamdaman ko sa tuwing tumitingin siya sa akin at sa tuwing naaalala ko ang sinabi niya kanina. Hinding-hindi ko ito makakalimutan. Ito ang pinakamasayang kaarawan ko sa lahat.
Habang nag-eenjoy ang lahat ay agad akong nakaisip ng paraan. Tutal napansin naman na ako ni Dominique, kailangan kong maging kaibigan ang babaeng kasama niya para malaman ko kung ano nga ba ang koneksiyon niya kay Dominique. Kailangan kong alamin kung hadlang ba siya o hindi sa aming dalawa.
"Pulgosa, uwi na kami thank you for inviting us! Nag-enjoy kami!" masayang wika ni Dominique habang nagpapaalam.
"Oo nga, thank you! Mauna na kami." saad naman nung babaeng kasamahan niya.
"S-sige! Thank you din sa pagpunta!" saad ko naman. Ngumiti ako sa kanila.
Ano kaya ang koneksiyon niya kay Dominique? Boyfriend niya ba ang fewture boyfriend slash husband ko? Assuming ang peg ng lola niyo.
BINABASA MO ANG
Ang HOT kong Kapitbahay
Teen FictionMeet Pulgosa Geronimo. Isang babae na umaasa sa crush niyang si Domique Dela Peña. Lahat ng paraan ay hahamakin at gagawin niya para lang mapansin siya nito. Magugustuhan kaya siya ni Dominique? Magiging happy kaya ang ending ng love story nila?