Ang HOT kong Kapitbahay

32 4 0
                                    

CHAPTER 17

Dali-dali kaming naglakad papunta sa labasan. Nakakahiya! Agad kaming pumara ng motor para makauwi na. Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya naman nabasa ako pati si Hopia. Lagi na lang akong minamalas. Nang makarating ako sa bahay namin ay agad akong nagpunas ng twalya at naligo. Sobrang lamig.

Kinabukasan ay masama ang pakiramdam ko. Ang bigat-bigat ng ulo ko at sinisipon pa ako.

"Anak heto uminom ka ng gamot." saad sa akin ni Nanay sabay abot ng yubig at gamot. Halos hindi ako makatayo sa kinahihigaan ko. Mayamaya naman ay mayroong tumawag mula sa labas.

"Baklang usaaa!" sigaw ng babae sa labas. Agad namang nagtungo doon si Nanay para buksan ito.

"Oh ayos ka lang ba?" bungad niya ng makapasok siya sa kwarto ko.

"Halata namang hindi, 'di ba? Ang malas malas ko talaga kahit kailan!"

"Ikaw naman kasi eh, bakit kasi nagbistida ka pa kahapon? Napaglinis ka tuloy saka nasilipan."

"Shh! 'Wag kang maingay! Baka mapagalitan ako ni Nanay kapag nalaman niyang nasilipan ako."

"Oh by the way, nagdala nga pala ako ng prutas, heto oh." saad niya sabay abot ng isang basket na iba't ibang uri ng prutas.

"Thank you!"

"Oh sige, mauna na ako ha! Dinaan ko 'yan, galing kasi ako ng palengke, next time na lang ulit."

Tumango na lamang ako. Nang makaalis siya ay bahagya akong tumayo at dumungaw sa bintana ng aking kuwarto para masilayan ko si Dominique. Miss ko na 'yung ginagawa kong pagpapapansin sa kaniya. Miss ko na ding pumunta sa bahay nila. Napabuntong hininga ako. Nang matapos akong sumilip ay agad akong bumalik sa pagkakatulog.

Hapon na nang magising ako. Medyo maayos na ang pakiramdam ko at hindi na masakit ang ulo ko. Kailangan ko na lang ng kaunting pahinga.

"Pulgosa!" sigaw n'ong babae sa pintuan namin. Nagtaka ako kung sino ang babaeng iyon. Sa pagkakaalam ko ay kanina pa nagpunta si Hopia sa amin. Teka, baka nananaginip lang ako kanina. Agad naman itong pinagbuksan ni Nanay ng pinto at pinapasok. Bumungad sa akin si Bianca. Napakamot na lamang ako sa ulo. Ayoko muna sana siyang makita ngayon pero nandito na siya, wala na akong magagawa pa.

"Nabalitaan namin 'yung nangyari sa'yo." mahinahong tugon niya sabay abot ng mga prutas na dala-dala niya. Marami tuloy akong naipon na prutas dito.

"Magaling ka na ba?" dagdag pa niya.

Tumango ako saka ngumiti. Hindi ko dapat ipahalata sa kaniya na medyo masama ang loob ko sa kaniya dahil inagaw niya ang fewture houseband ko. "Pasensiya na kung hindi ako nakakapunta sa inyo ha, miss ko na tuloy 'yung kwentuhan natin." dagdag ko pa.

"Oo nga eh, miss ko na din 'yung kwentuhan natin saka 'yong pagiging funny mo." saad niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Naaappreciate niya pala ang pagiging tanga ko este funny ko hehe. "Oh sige hindi na ako magtatagal, may pupuntahan pa kasi kami ni Dominique ngayon, importante."

"Gan'on ba? Oh sige mag-iingat kayo ha." paalam ko.

"Sige pagaling ka."

"Thank you nga pala dito sa prutas na binigay mo."

"Always welcome." saad niya at tuluyan ng umalis.

Ang HOT kong KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon