CHAPTER 20
"Sorry pero, hindi nag work ang panliligaw mo." saad ko kay Andrew. Nalungkot siya sa sinabi ko. Anim na buwan na siyang nanliligaw pero bakit walang nangyari? Bakit hindi ko man lang siya nagustuhan kahit konti? Pinaasa ko lang tuloy siya. Alam kong nasaktan siya dahil sa sinabi ko dahil umasa siyang makukuha niya ang matamis kong "oo" kapag sinagot ko na siya pero hindi, aminado naman akong mas gwapo siya kay Dominique pero siya pa rin ang laman ng puso ko hanggang ngayon. Siya lang at wala ng iba pa.
5 years ago...
Naalimpungatan ako dahil sa busina na narinig ko mula sa labas ng bintana ko. Agad ko naman itong sinilip dahil curious ako kung sino 'yon. Nakita kong bumaba ang isang lalaki at may kasamahan itong babae na pamilyar sa akin. Parang nakita ko na sila pero hindi ko matandaan. Saan ko ba sila nakita?
Bumangon na ako dahil magte-take pa ako ng Board Exam para sa kinuha kong kursong Education. Marunong na akong mag english ngayon, 'di gaya dati. Nagbihis na ako at pumara ng sasakyan para pumunta kung saan ako magte-take ng exam. Nang makarating ako ay konti pa lang ang tao. Buti na lang at hindi ako nalate. Mabagal pa naman ang sinakyan kong tricycle dahil matanda na ang nagdadrive nito at lubak-lubak pa ang daan. Ang dami-dami kong bukol dahil nauuntog ako sa bakal ng tricycle habang bumibyahe kami kanina.
Lumipas ang ilang oras at nag-umpisa na ang exam. Hindi naman ako nahirapan dahil lahat ng nasa exam ay kabisado ko na at nareview ko. Hayst buti na lang.
Pagbaba ko sa gate ng aming bahay ay papasok na sana ako pero may biglang tumawag sa akin na parang pamilyar sa akin ang boses. Nakita ko ang babaeng kulay dilaw ang buhok na bumaba kanina sa kotse.
Agad naman akong lumapit sa kaniya.
"Pulgosa!" tawag sa akin. Bakit niya ako kilala?
"Do i know you?" tanong ko. O 'di ba? Sabi ko sa inyo magaling na ako sa english eh.
"It's me, Bianca! Don't you remember me?" pabalik na tanong niya. Hindi ko masyado naintindihan 'yong sinabi niya dahil may accent siya.
Inisip ko na lamang kung saan ko siya nakita. Naalala ko na, siya 'yong dating kasama ni Dominique dati. So ibig sabihin nandito na din si Dominique?
"Do you remember me na?" tanong niya.
"Ahh oo, 'di ba ikaw 'yong kakwentuhan ko dati?"
"Oo, ako nga!"
Agad niya akong niyakap. "Namiss kita. I miss our old conversation. Sorry ha, hindi kami nakapagpaalam sa'yo n'on."
"Okay lang. Kamusta ka na pala?" tanong ko.
"Okay lang naman, ikaw?"
"Okay lang din, namiss din kita." saad ko.
"Tara pasok ka muna, I'm sure marami tayong pagkukwentuhan saka marami din akong pasalubong sa 'yo. Tumuloy ako sa loob nila."Saan ka nga pala galing?" tanong niya.
"Nagtake kasi ako ng board exam for teacher."
"Magiging teacher ka na?"
"Oo, nakakaproud nga eh. Parang dati lang ang tanga-tanga ko sa english tapos ngayon magiging teacher na ako."
"Haha i remember those times na sinusubukan mong mag english pero pinagtatawanan lang kita. Sorry ha." saad niya.
"Ano ka ba? Okay lang 'yon. Magkaibigan naman tayo." saad ko.
BINABASA MO ANG
Ang HOT kong Kapitbahay
Roman pour AdolescentsMeet Pulgosa Geronimo. Isang babae na umaasa sa crush niyang si Domique Dela Peña. Lahat ng paraan ay hahamakin at gagawin niya para lang mapansin siya nito. Magugustuhan kaya siya ni Dominique? Magiging happy kaya ang ending ng love story nila?