Ang HOT kong Kapitbahay

41 2 0
                                    

CHAPTER 6

"Hoy ano 'yan bata ka! Puro kabastusan lang pala panoorin mo,  pumunta-punta ka pa dito!" sigaw ni Aling Petra.

Agad akong nagtatakbo pauwi sa amin sa sobrang hiya. Hindi ko naman intensiyon na manood n'on, virgin pa 'yong mata ko noh! Baka isumbong pa ako ni Aling Petra kay Nanay. Hindi ko na alam kung papaano ako mapapansin ni Papa Dominique. Kailangan kong mag-isip ng paraan. Alam ko na!

Agad akong pumunta sa kwarto ko at nagsuot ng maiikling damit. Dapat litaw ung dibdib ko para maimpress si Papa Dominique. Ganito kasi 'yong mga napapanood ko sa TV.

"Nay may ipabibili ka ba?" tanong ko kay Nanay paglabas ko ng kwarto.

"Anak bakit ganiyan ang suot mo? Nagtatrabaho ka na ba sa bar ngayon?" tanong sa akin ni Nanay. Heto talagang si Nanay laging sabog.

"Hindi nay, napag-isip-isip ko po kasi na marami akong damit na ganito sa kabinet ko na hindi ko naman na isinusuot kaya heto isinuot ko."

"Hubarin mo nga 'yan! Baka mamaya akala ng mga kapitbahay natin pokpok ka. Bumili ka ng patis oh." saad niya sabay abot ng pera.

"Abe pashion 'to Nay! Ganito talaga 'yong mga Miligrams!" ('Yon ata 'yong tawag sa henerasyon natin ngayon eh basta 'yon na 'yon) saad ko. Agad naman akong lumarga kila papa Dominique. Sinisigurado kong makukuha ko na siya!"

"Pagbilan nga ng patis!" sigaw ko. Agad namang bumungad sa akin si Papa Dominique. Sobrang hot niya talaga sa paningin ko. Tumuwad ako sa harapan niya para makita niya ang dibdib ko. Inayos ko pa ang damit ko ng kaunti.

"Heto oh." abot niya.

"Maganda ba 'yong view?" tanong ko.

"Ha? Anong view 'yong sinasabi mo diyan?" tanong niya.

Hindi ko namalayan na mayroon pala akong katabing bumibili na matandang lalaki. Pumipito pa ito habang nakatingin sa dibdib ko habang nakatuwad ako. Agad akong umayos ng tayo.

"Hahaha wala s-sige mauna na ako." saad ko. Sa pagmamadali ko ay hindi ko na nakuha 'yong sukli. Kaya ayon, binungangaan na naman ako ni mudrakels.

Lagi na lang epic failed lahat ng kilos na ginagawa ko para sa kaniya. Malapit na 'kong maubusan ng idea kung paano niya ako mapapansin.

Magpapaload na nga lang ako para makapagsearch ako ng mga tips kung paano ako mapapansin ni crush.

Kumuha ako ng pera sa wallet ko. 20 pesos na lang ang pera ko kaya naman 10 lang ang gagastusin ko. Siguro ay puwede na 'yon para makapagsearch.

"Paload nga po." tawag ko sa tindahan nila Aling Bebang. Agad namang lumabas si Dominique. Siya lagi ang nagbebenta sa tindahan nila.

"Magkano?"

"Ten lang."

"Number?" Oh magashh hinihingi ni Papa Dominique 'yung cp no. ko.

"0926******* text mo 'ko."

"Ha? 'Di ba nagpapaload ka? Bakit naman kita itetext?"

"Crush kita eh." saad ko. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat dahil sa lumabas sa bibig ko.

Ang HOT kong KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon