CHAPTER 14
"Hahaha you're so funny." saad niya.
"Hahaha naku hindi naman, 'di naman ako tinapay hahaha." saad ko.
"Hahaha oh heto muna 'yung juice, inom ka muna." saad niya.
"Ikaw kamusta ka naman?" tanong ko.
"I'm fine!" saad niya.
"Haha wala na ksing englishan." saad ko.
"Hahah sorry! Okay lang naman ako. Sorry kung nag eenglish ako, galing kasi ako sa state."
"Wow! Saan sa state?"
"Sa California."
"Ikaw? Anong grade mo na?"
"College na ako sa darating na pasukan."
"Good! Mag-aral ka ng mabuti ha." saad niya.
Napangiti na lamang ako. Ngayon ko pa lang siya nakilala pero ang gaan na ng loob ko sa kaniya. Mukhang makakasundo ko siya.
"Oo nga pala, thank you sa binigay niyong regalo sa akin, naappreciate ko 'yon."
"Oh! Binuksan mo na? Hahaha always welcome! Si Dominique nga 'yung nagpumilit sa akin na bigyan ka ng regalo eh. Actually 'di naman kota dapat bibigyan ng regalo pero sabi ni Dominique bigyan daw kita. 'Di pa kasi gaanong ka kilala kaya dapat 'di ko gagawin 'yon."
"Oo, tama ka, pero salamat ha." saad ko. Lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi niya na si Dominique ang pumilit sa kaniya.
"Nice ka daw kasi saka mukhang mabit ka din." saad niya. "Oo nga pala, puwede ba tayong maging magkaibigan?"
"Hahaha parang ang bilis naman yata? Kilalanin mo muna ako, baka kasi napipilitan ka lang sa akin. Mukha kasing mayaman ka samantalang ako ganito lang." malungkot na saad ko. Ramdam ko kasing napipilitan lang siya.
Napahagalpak na lamang siya ng tawa dahil sa sinabi ko. "Ano ka ba? 'Di ako mayaman noh! Saka nanggaling din naman ako sa mahirap na pamilya kaya gusto kong makipagkaibigan sa gaya mo." saad niya. Pumayag na lamang ako sa sinabi niya. Wala akong choice dahil ipinaliwanag na niya kung bakit niya ako gustong makipagkaibigan. Wala din naman akl choice tumanggi dahil ito talaga ang plano ko.
"Mauna na ako, baka hinahanap na ako ni Nanay, tatalak na naman kasi 'yon pag nagpagabi pa ako." paalam ko.
Tumango lamang ito at inihatid ako palabas sa gate nila.
"Sa'n ka ba nanggaling? Kaninang kanina pa kita hinahanap."
"Diyan lang po ako nanggaling kila Dominique."
"Siguro crush mo siya noh!" singit nung kapatid ko.
"Hindi ha! Hindi ko crush 'yon. Nakipagchikahan lang ako d'on sa babae na nando'n sa kanila." paliwanag ko.
"Ehh bakit naririnig ko na nagssleep talk ka tapos tinatawag mo si kuya Dominique sa panaginip mo?"
"Hindi ha! Pake nose ka! Hindi ko kaya siya tinatawag. Nihindi ko nga siya napapanaginipan eh." palusot ko. Siya kasi lagi 'yung laman ng pantasya ko kaya siguro lagi ko siyang tinatawag sa panaginip ko.
'Di ko na lang pinansin 'yung sinasabi niya. Wala akong ganang makipagdebate ngayon sa kapatid ko. Halos araw araw ay hindi kaming dalawa magkasundo at lagi kaming nagbabangayan. Ngayon lang talaga nawalan ng ganang makipag-away sa kaniya.
"Naku lubayan niyo nga muna 'yung crush crush na 'yan. Ang babata niyo pa puro na kayo crush. Mag-aral muna kayong mabuti bago kaya magkaroon ng crush." saad ni Nanay. Siya talaga ang kontrabida sa buhay ko. Lagi niya na lang akong kinokontra. Pero okay na 'yon, atleast matatahimik na din 'yung kapatid kong masatsat.
BINABASA MO ANG
Ang HOT kong Kapitbahay
Teen FictionMeet Pulgosa Geronimo. Isang babae na umaasa sa crush niyang si Domique Dela Peña. Lahat ng paraan ay hahamakin at gagawin niya para lang mapansin siya nito. Magugustuhan kaya siya ni Dominique? Magiging happy kaya ang ending ng love story nila?