CHAPTER 21: The Ending
"Kasama mo ba si Dominique na umuwi dito?" tanong ko."Oo kaso may pinuntahan siya."
"Bakit nga pala kayo umuwi ng states?" tanong ko.
"Pinuntahan kasi namin si Jennifer, 'yong girlfriend ni Dominique." saad niya. Tila huminto ang mundo ko ng marinig ko ang sinabi niya. "Girlfriend ni Dominique." "Girlfriend" "Girlfriend" Paulit ulit na nagfa-flashback sa utak ko ang sinabi niya. Girlfriend?
" Eh kung girlfriend niya 'yong Jennifer, kaano-ano ka niya?" curious na tanong ko.
"Hahaha hindi ba obvious? Pinsan niya ko noh." napatawa na lang ako sa sinabi niya.
"Alam mo ba dati nong unang uwi niyo dito, akala ko girlfriend ka niya."
Humagalpak ito ng tawa na kay lakas.
"Seryoso?"
"Oo hahaha."
"By the way, heto nga pala 'yong mga pasalubong ko sa 'yo." saad niya sabay abot sa akin ng mga pabango at chocolate.
"Wow ang dami naman nito. Thank you ha!"
"Walang anuman. Always welcome Dear."
"Saan pala nagpunta si Dominique?"
"Sa palengke, kailangan niya kasing magpaprint ng invitations."
"Invitations for what?"
"For wedding nila ni Jennifer."
"Ha?"
"Oo tama 'yong narining mo! Engage na silang dalawa at ikakasal na sila sa sabado!"
"Oh really? Congrats sa kanilang dalawa. Oh by the way, uuwi muna ako. Magpapalit lang ako ng damit. I'll be back." saad ko. Halos ilang taon akong umasa kay Dominique pero wala. Nganga. As in! Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Hindi pa rin nagsisink in sa utak ko na ikakasal na siya kay Jennifer. Nanghihina ako. Hindi ko matanggap 'to. Nagbihis na ako at bumalik ako kila Bianca. Kailangan kong kausapin si Dominique.
"Oh Pulgosa, nandyan ka pala tara pasok ka." bungad sa akin ni Dominique. Nginitian ko siya.
"Oo nga pala heto 'yong invitation." iniabot niya sa akin ang isang karton na nakatiklop.
"Tiktilaok! Tiktilaok!"
Nagising na lamang ako sa lakas ng tilaok ng manok nila Aling Bebang. Mayamaya pa ay nakarinig ako ng sasakyan sa harapan ng aming bahay kaya naman dumungaw ako sa bintana ko para makita ko ito.
Nakita ko si Dominique at si Bianca na magkasama at maraming dalang bagahe. Naglinis agad ako ng katawan at pumunta ako sa kanila. Baka bigyan niya ako kahit chocolate lang. Matagal na kasi akong naglalaway sa chocolate. 'Di na kasi ako nakakatikim no'n.
"Hey Pulgosa! Tara muna dito. Namiss ka namin ni Dominique." tawag sa akin ni Bianca. Agad naman akong pumasok dahil namiss ko sila.
"May pasalubong kami." Inabot niya sa akin ang mga pabango at chocolate na gaya sa panaginip ko kanina. "Gusto ka nga palang makausap ni Dominique."
Agad akong lumapit kay Dominique.
"Ano 'yong sasabihin mo?" curious na tanong ko."Mahal kita!" saad niya. Napakunot na lamang ako ng noo dahil sa sinabi niya. 'Di ba girlfriend niya si Bianca?
"'Di ba girlfriend mo si Bianca?"
"Hahaha hindi noh! Pinsan ko 'yan." saad niya. Natawa na lamang ako sa nalaman ko.
"Mahal din kita noon pa, kaya nga lahat ng pagpapansin ko ginawa ko para lang mapansin mo pero hindi mo ko pinansin. Balewala lang lahat ng effort ko."
"Hahaha hindi mo na kailangan pang magpapansin para mahalin kita. Mahal na mahal kita." Biglang lumawak ang ngiti ko ng marinig ko ang sinabi niya.
"Mahal na mahal din kita."
Hinalikan niya ako sa noo at dumampi ang labi niya sa mga labi ko. Sobrang lambot nito. Ngayon lang nangyari sa buong buhay ko 'to. At naging kami. Ilang buwan siyang nanligaw at kinalaunan ay sinagot ko na siya. After ilang years, nagpakasal na kami and we lived happily ever after...
To God Be The Glory!!!
BINABASA MO ANG
Ang HOT kong Kapitbahay
Novela JuvenilMeet Pulgosa Geronimo. Isang babae na umaasa sa crush niyang si Domique Dela Peña. Lahat ng paraan ay hahamakin at gagawin niya para lang mapansin siya nito. Magugustuhan kaya siya ni Dominique? Magiging happy kaya ang ending ng love story nila?