CHAPTER 5
"Oh anak bakit ang lungkot ng itsura mo?" tanong sa akin ni Nanay pagbalik ko sa bahay namin.
"Wala po Nay, may iniisip lang po." sagot ko sabay pasok sa kwarto ko. Medyo nawawalan na din ako ng pag-asa kay Dominique dahil sa ipinapakita niya sa akin. Parang gusto ko ng sumuko ngayon pa lang dahil alam ko namang hindi niya ako magugustuhan. Pero naniniwala pa rin kasi ako sa kasabihan na kapag may tiyaga may tinola kaya laban lang. Makukuha ko din 'yong malaking alaga niya ayy ang ibig kong sabihin 'yong tinola niya kasi papatayin ko 'yong manok nila. Ayy hindi pala makukuha ko din siya, ang ibig kong sabihin.
Binuksan ko ang notebook na nasa tabi ko para tingnan kung ano pa ang natitira sa mga todo list ko. Halos lahat ay nagawa ko na. Kailangan kong magpunta mg computer shop para magsearch. Kahut hindi ako sanay gumamit no'n ay gagamitin ko pa rin para maakit ko si Papa Dominique.
"Oh anak sa'n ka pupunta?"
"Sa computer shop lang po kila Aling Petra."
Nagtatakbo ako papunta sa kanila. Medyo malayo din kasi ang bahay nila sa amin.
Agad kong binuksan ang computer. Sanay lang akong magbukas nito pero hindi ko alam kung paano ito gamitin. Nang mabuksan ko ito ay pinunta ko sa chrome. Ito kasi ang nakikita ko sa mga gumagamit ng computer lalo na kay Hopia. Pinindot ko ito ng pinindot pero ayaw mag-open. Napakamalas ko naman. Pinukpok ko sa kahoy ang mouse dahil baka naglog lang ito pero ayaw pa rin. Ipinukpok ko pa ito ng malakas hanggang sa nakita ako ni Aling Petra.
"Hoy! Sisirain mo ba 'yang computer namin? 'Di mo naman ata alam 'yan!" sigaw niya.
"Alam ko po ito. May lamok po kasi kaya pinukpok ko nitong mouse." palusot ko.
Mayamaya pa ay gumana na ang computer.
Pinindot ko ang search bar at nagsearch ako kung paano mapapansin ni crush. Puro picture lang ang lumabas dahil nakaimage ito. akit gan'on? Wala akong makitang words? Bakit puro piktyur? Mayamaya ay may nakita akong lalaki na nakahubad na piktyur. Ang hot ng lalaki. Mas hot pa kay Dominique. Ang ginawa ko pinindot ko ito at napunta ako sa isang site kung saan maraming nagsesex. Jusko ano ba 'to! My virgin ice! Ay eyes pala! Pornhub pala 'to!
So hindi ko talaga alam ang gagawin ko kaya pinindot ko ang video dahil akala ko ay babalik na ito sa dati. Mayamaya ay may umungol na babae. Nakafull volume 'yong computer shemay! Halos mapatingin sa akin lahat ng tao sa computeran at si Aling Petra. Patay na! Bakit ba kasi ako nagpunta dito nakakahiya.
BINABASA MO ANG
Ang HOT kong Kapitbahay
Fiksi RemajaMeet Pulgosa Geronimo. Isang babae na umaasa sa crush niyang si Domique Dela Peña. Lahat ng paraan ay hahamakin at gagawin niya para lang mapansin siya nito. Magugustuhan kaya siya ni Dominique? Magiging happy kaya ang ending ng love story nila?