CHAPTER 16
Ayoko munang pumunta kila Aling Bebang bukas. Nasasaktan lang ako sa tuwing nakikita ko si Bianca. Kaya pala hindi epektib kay Dominique lahat ng pagpapapansin ko sa kaniya dahil may jowa na siya. Letche! Dito na lang muna ako sa bahay. Mag eemote ako. Anong oras na pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Gusto ko ng matulog para pansamantalang makalimot pero ayaw pumikit ng mga mata ko. Habang hindi pa ako dinadalaw ng antok ay nag-isip-isip muna ako. Siguro heto na 'yong tamang oras para kalimutan ko si Dominique. 'Di ko namalayang tumulo na ang luha sa mga mata ko. Ang bigat-bigat sa pakiramdam. Ayoko ng umasa pa, ayoko ng makita pa siyang muli. Pilit kong ipinikit ang mga mata ko at natulog.
"Anak! Tanghali na! Gumising ka na." bungad sa akin ni Nanay. Ngayon nga pala ako nakatakdang magpaenroll. Halos matatapos na din kasi 'yung bakasyon. Napakamot na lamang ako sa ulo ko.
"Oh usa tara na." bungad sa akin ni Hopia. Kanina pa pala siya nandito.
"Saglit lang maliligo lang ako." saad ko. Napagtanto ko kasi na araw-araw pala dapat naliligo.
Pagkatapos kong maligo ay nag-enroll na kami.
"Usa, may problema ka ba? Bakit parang maasim 'yong mukha mo?"
"May jowa na pala si Dominique." malungkot na saad ko.
"Ha? Eh sino naman?" gulat na tanong niya.
"'Yong babaeng maputi. Siya pala 'yung girlfriend niya."
"Paano mo naman nalaman?"
"Sabi niya tinulungan daw siyang magmove on ni Dominique."
"Marami pa namang iba diyan, ano ka ba? Makakahanap ka rin ng one and only true love mo noh."
"Ayoko na! Kinabog mo 'ko sa englishan."
"Hahaha tara na nga."
Pagdating namin sa eskwelahan ay halos magtinginan ang mga estudyanteng nag-eenroll dahil sa ganda ko. Mas lalo ko pang ginandahan ang pag-awra ko para naman maakit ang mga kalalakihan.
"Usa, parang may mali."
"Ano?"
"Gaga bakit ka nakabistida? Sa'n ang rampa?" tanong sa akin ni Hopia. Nakawilihan ko na kasing magsuot ng bistida kaya hanggang dito nagawa ko. Hala! Oo nga pala.
"Hoy! Maglinis nga kayo dito! Rampa kayo ng rampa diyan." sigaw sa amin ni Ms. Gutierrez ang prins-epal ng school ayy prinsipal pala hehehe.
Kaya ayon, kanina ang ganda ganda ng awra ko, ngayon naman mukha akong katulong dahil napaglinis ang lola niyo. Ang arte arte ko kasi eh. Heto namang si tanga hindi pinaalala sa akin na nakabistida pala ako. Hayst iitim ang pempem ko dito. Sobrang init pa naman. Nakalimutan ko pa palang magpanty.
Tinakasan ko na lang si Ms. Gutierrez para naman makapag-enroll at makauwi na kami. Amoy lumlom na kasi ang pempem ko.
Mayamaya ay lumakas ang hangin at kumulimlim ang paligid kaya naman nilipad pataas ang bistida ko. Jusko nakita tuloy ang monay ko ayy este ang puwet ko. Maitim pa naman, saktong-sakto sa makulimlim na panahon.
"Kaya naman pala kumulimlim ehh, maitim pala ang pwet." saad ng mga estudyante. Halos mapahiya ko sa sinabi nila. Jusko bakit gano'n? Ang malas-malas ko? Pati ba naman 'yong puwit ko nakita pa nila? Hayst wala na akong puwit na maihaharap sa kanila este mukha pala.
BINABASA MO ANG
Ang HOT kong Kapitbahay
Novela JuvenilMeet Pulgosa Geronimo. Isang babae na umaasa sa crush niyang si Domique Dela Peña. Lahat ng paraan ay hahamakin at gagawin niya para lang mapansin siya nito. Magugustuhan kaya siya ni Dominique? Magiging happy kaya ang ending ng love story nila?