CHAPTER 10
"Tara na?" pag-aaya sa akin ni Nanay. Pupunta kami ngayon sa party ni Dominique. Siyempre kailangan nandoon ako noh! Ako ang fewture wipe non! Binitbit ko ang regalo na dadalhin namin. Magkaiba 'yung regalo namin ni Nanay. Dapat ay mayroon akong sariling regalo sa kaniya. Hindi ako magpapakabog.
Nang makarating na kami sa bahay nila ay mayroong konting salu-salo ngunit masaya. Maraming bisita.
"Oh anak ibigay mo na 'yan kay Dominique. Mauupo na kami dito." saad ni Nanay.
Hinanap ko si Dominique. Nakita ko siya sa loob ng bahay nila. Sobrang hot at gwapo niya sa suot niyang floral na polo. Napanganga na lamang ako ng makita ko siya.
"Happy Birthday!" saad ko sa kaniya sabay abot ng regalo. Medyo kinakabahan ako at kinikilig sa kaniya.
"Thank you! Mag-enjoy kayo ha!" saad niya.
Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. Kinikilig ako, sobrang gwapo niya. Hindi ko akalain na mayroon pa pala siyang ilelevel up.
Sobrang saya ng naging party niya. Kinagabihan ay hindi ako makatulog dahil sa itsura niya kanina. Kinikilig pa rin ako kahit nasa bahay na ako. Sobrang lakas talaga ng dating niya sa akin.
Kinabukasan ay tanghali na akong nagising dahil gabi na rin kaming nakauwi.
"Anak may naghahanap sa'yo!" sigaw ni Mama habang nasa labas ng bahay. Sino naman kaya itong naghahanap sa akin? Baka si Dominique! Agad akong lumabas ng bahay para harapin kung sino man ang naghahanap sa akin. Nawala ang ngiti ko ng malaman kong si Hopia lang pala.
"Bes! I miss you!" bungad niya. "Bakit ganyan ang mukha mo? 'Di ka ba masaya na nandito ako?" tanong niya.
"Masaya naman. Bakit ka nga pala napadalaw?"
"Kasasabi ko lang kaya. Namiss kasi kita." saad niya. Ngumiti ako ng mapait.
"Kamusta ka na?" tanong niya.
"Heto ganon pa din. Crush pa din 'yung crush ko."
"Oo nga pala, bakit 'di mo pa pinapakilala 'yung crush mo sa 'kin?" tanong niya.
"Si Dominique 'yung crush ko. Ayun oh." saad ko sabay turo sa tindahan nila. Doon kasi siya madalas tumambay.
"Ang gwapo naman."
" 'Wag mong aagawin! Akin lang 'yan!" saad ko. "Nawawalan na nga ako ng ganang gumawa ng paraan para mapansin niya ko eh." malungkot na sabi ko.
"Ano-ano na ba 'yung mga ginawa mo para mapansin kaniya?"
"Marami na, actually lahat na yata nagawa ko na, pero ayaw niya pa rin akong pansinin." Nakatitig pa rin ako kay Dominique habang hawak niya ang cellphone niya. Mukhang masaya siya habang hawak niya ito. Siguro ay kachat niya 'yung taong mahal niya.
"Alam mo may kilala akong mangkukulam." saad niya. Nagulat ako sa
sinabi niya."Ha? Aanhin ko naman ng mangkukulam? Baka kung ano pa maging itsura niya kapag ipinakulam ko siya."
"Hindi mo naman siya ipapakulam eh. Magpapagawa lang tayo ng gayuma." saad niya.
"Gaga! Hindi sa mangkukulam binibili 'yon! Sa nagtatawas binibili 'yon!"
"Ayy oo nga pala."
"Ayoko namang gayumahin siya. Ayoko kasing mapansin niya ako ng dinuduga ko 'yung pag-iisip niya. Ang gusto kong mangyari mapansin niya ako kung ano ako. Kung ano talaga ako. Saka ayoko umabot sa puntong ganon." saad ko.
"Sa bagay. Ikaw ang bahala."
Mayamaya ay mayroong humintong kotse sa tapat ng bahay nila. Bumaba ang isang babae na maputi at matangkad. Ang ganda niya. Agad itong sinalubong ni Dominique at niyakap.
BINABASA MO ANG
Ang HOT kong Kapitbahay
Teen FictionMeet Pulgosa Geronimo. Isang babae na umaasa sa crush niyang si Domique Dela Peña. Lahat ng paraan ay hahamakin at gagawin niya para lang mapansin siya nito. Magugustuhan kaya siya ni Dominique? Magiging happy kaya ang ending ng love story nila?