Prologue

7.6K 37 5
                                    

Pagkatapos kong malaman ang isang napakasayang balita, naisipan kong pumunta sa park na malapit sa bahay namin. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang bench at nagbabasa ng isinulat kong nobela. Ginagawa ko talaga 'to eversince para malaman kung may dapat pa ba akong iimprove.

"Miss, may kasama ka ba rito? Puwedeng makaupo?"

Napapitlag ako sa nagtanong na babae. Kasing edad ko lang ata siya. Maganda rin. Char! Mukhang harmless naman.

"Oh sure." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ngayon lang kita nakita rito ah." sabi nito.

"Hindi naman talaga ako tagarito dati." sagot ko.

"Bagong lipat?"

"Oo eh." sagot ko.

" I'm Fiona. Matagal na kami sa subdivision na 'to." anitong nakangiti at inilahad ang kamay sa akin na tinanggap ko naman.

"Kichi here. Nice to meet you." sabi ko. Mukhang may bago na akong kaibigan rito.

" Ang sweet nila noh?" anito maya-maya sa lovers na dumaan. Malayo na ang mga ito ay nakasunod pa rin ang paningin nito sa mga ito.

"Ganyan lang talaga kapag nagmamaghalan." sagot ko na.

"Na-inlove ka na ba?Nang todo?" tanong nito. Ibinaling ang paningin sa akin.

"Oo naman. It's a great feeling."

"Pero, paano kung ikaw lang pala ang inlove sa kanya? Siya ay hindi?"

"Habulin mo siya. Ligawan mo. Wag sumuko."nakangiti pa ring sabi ko. Totoo naman yan. Kung may mahal ka, wag mong isuko. Patience is a virtue.hehe

 "Isn't that too bold?"

"Nagmamahal ka lang naman."

"Teka, huwag mong sabihin na ginawa mo na 'yung paghahabol at panliligaw thingy na 'yan?"

Napangisi ako. "Yep. "

Nanlaki mata nito."Really?So, care to tell me kung ano ang nangyari?"

"Willing ka bang makinig sa napakahabang kuwento ko?"

"Oo naman. I would love to listen kahit gaano pa kahaba 'yan.Kailangan ko talaga kasi ng kausap ngayon"

"Eh di sige. Here we go..."

Chasing My Love ( Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon