Chapter 2

20 9 0
                                    

Amaranthine's POV
 
 

Nakakasawang tunog ng gulong ng bawat maleta ang maririnig mo sa hallway ng dorm. Halos lahat ng mga kasabayan ko ay may mga kasama at mukhang close na sila lahat. Ako lang yata ang walang kakilala dito.
 
 

Nang makarating sa girls' dormitory, agad na hinanap ko ang kwarto ko. Sana naman ay maging kasundo ko ang mga dorm mates ko.
 
 

Pumasok ako sa kwarto na nakaassign sa'kin. Agad namang lumapit sa akin ang isang babae. May bangs ito, naka ponytail, naka-skirt at blouse. Sexy at maganda sya. Sana all.
 

"Hello, ikaw ba si Amarantayn? My gosh ang hirap i-pronounce ng pangalan mo. I am Ellison, 19 years old BS Nursing"
 
 

Natawa na lang ako dahil sa kadaldalan ng babae'ng kaharap ko. "It pronounce as Amaran-tin, pero you can call me Thine na lang masyadong mahaba eh"


Kinuha nya sa'kin ang extrang bag na dala ko at inilagay ito sa itaas na kama. Umakyat naman ako at tinulungan nya rin ako sa maleta'ng dala ko.


"Ellison, tayo'ng dalawa lang ba dito? Bakit dalawa tong double deck?"

"Wala pa yung isa nating kasama, yung isang bed naman, bakante lang daw yan"

Inayos ko na ang gamit ko sa study table na napili ko. Isa-isa kong inilapag ang mga notebooks na binili ko dati nguni't wala namang nakasulat na kahit ano. Inilapag ko rin ang box na puno ng fancy papers ko.

 

"Alam mo bang ito'ng university natin, napaka-konti lang ng babae dito?"

Pinanuod ko sya habang nagliligpit ng damit nya, hinihintay ang susunod nya'ng ikukwento.

"Hindi naman kasi ito medical school. Ang main talaga nila dito ay engineering at mostly sa mga enrollees nila, puro lalaki dahil karamihan sa mga babae, ayaw mag-aral sa ganitong lugar"

"Bat ang dami mo yatang alam tungkol sa school natin?"

Ngumiti sya, ako naman diniretso ko lang ang paglalabas ng mga gamit ko at pag-aayos nito sa area ko.

"Dito kasi graduate ang kuya ko at marami sya'ng kinuwento about sa school na'to. Isa pa, obvious naman sa labas na puro lalaki ang nag-aaral dito. Siguro nasa 100 lang ang babae sa batch natin"


Obvious ba? Ni hindi ko nga napansin kanina na wala pala ako'ng babaeng nakasabay, ngayon lang kung kelan nya sinabi.


"Nga pala, nakita ko yung ranking mo. Matalino ka pala ang gaganda ng grades mo" nagulat ako nang makitang may hawak sya'ng burger. Saan nya naman yan nakuha?


"Hindi naman. Nag-aaral lang nang mabuti"


Natapos ako sa pag-aayos ng gamit ko. This time, ang higaan ko naman ang inaayos ko. Mabango at bagong laba ang kumot at unan. Bumaba rin ako para tingnan ang banyo, at malinis na rin ito. Wala na ako'ng problema.


"Thine, busy ka ba mamaya? Samahan mo naman ako" ngumuso sakin si Ellison at nagpa-cute.


Wala naman ako'ng problema sa kanya, gusto ko nga sya dahil madali lang sya maka-close.


"Wala naman, hintayin na lang natin yung isa pa. Para naman may kasama sya"


Tinanguan nya ako, inalok pa ng kinakain nya pero tumanggi lang ako. Umupo ako sa harap ng study table ko saka nag-simulang magsulat sa isa sa mga bakanteng notebook ko.


A Bit Sweet (Coffee Flavor #2) ON-GOINGWhere stories live. Discover now