Thine's POV
Lumabas ako ng gate, inutusan ko sila na i-lock muna ito. Hinarap ko ang girlfriend ni Armin, as always naka-porma na naman sya at naka-high heels pa.
"Thine" binanggit nya ang pangalan ko na para bang napakalaki ng kasalanang ginawa ko. Huminga sya ng malalim at muling nagsalita, "Hindi ko gustong tulungan ka but I'm doing this for Armin's safety. May masamang plano si Armin at delikado si Parzival"
"Hindi mo ko maloloko. Do you really think---"
"Shut up, patapusin mo ko!" Inirapan nya pa ako at muling bumuntong hininga. "Sinasabi ko sa'yo lahat to dahil ayokong makulong si Armin. Gusto ko lang mabuhay ng kasama sya at walang kahit ano'ng gulo kaya pakiusap lang, let Parzival out of Armin's way! Hindi ko alam ang puno't dulo pero kilala ko ang boyfriend ko. Hindi ligtas si Parzival, Thine"
Ilang beses ako'ng napapikit. Seryoso ba talaga sya? Tutulungan nya ko?
"I'll drive you, Thine. Please isama mo si Caleb, at kung sino pang kaibigan mo ang pwede. Save Parzival and I will take care of Armin"
Nagmamadali ako'ng pumasok sa loob ng bahay nila Tita.
"Caleb, I need you to go with me. Luna, maiwan ka muna dito kila tita. I-lock nyo ang pinto please. Tawagan mo rin si Ellison para may kasama ka dito"
Hindi ko na sila hinintay na magsalita, hinila ko na si Caleb palabas at nagmamadaling sumakay sa sasakyan ng girlfriend ni Armin.
Naupo ako sa passenger seat dahil ayaw daw nya na magmukha sya'ng driver.
"By the way, My name is Luanne" sa kauna-unahang beses ay nakita kong ngumiti ang babae.
"Sa palagay mo, ano'ng meron sa pagitan ni Armin at Parzival?"
"I don't know either. Hindi nagsasabi sa'kin si Armin. Hindi pa rin ganun katagal ang relasyon namin. It's just that he's a damn playboy, he has a lot of girls. Y'know, boys are boys"
Kaagad namang nag-complain si Caleb na nakaupo sa likuran.
"Yung boyfriend mo lang ang playboy, dinamay mo na lahat ng lalaki" parang batang reklamo pa nya.
"Yeah but who knows? You guys are actually good at screwing women" sagot naman ni Luanne na animo'y maraming alam sa ganitong bagay.
"Playboy sya pero bakit boyfriend mo pa din? Di ba dapat makipag-hiwalay ka na sa kanya?"
Bumuntong-hininga na naman sya. "You can't leave someone you really love, Thine. Love is full of sacrifices. Kahit alam ko'ng anytime Armin will dump me, I still choose to stay by his side lalo na't wala namang ibang gagawa no'n sa kanya bukod sa'kin"
"Naku, yan problema sa inyo girls eh" singit ni Caleb. "Nagrereklamo kayo sami'ng mga lalaki pero kayo rin naman nagtatanga-tangahan"
Sinamaan ko sya ng tingin. Ang ganda ng usapan namin tapos makikisali pa sya, epal tsk.
"Armin was my bestfriend before. Alam ko kung gano karaming babae na ang nakasama nya but now that I had the chance to be her girl, I would never ever waste this chance" nilingon nya si Caleb, "And you'll never know that, cause you boys are sooooo walang kwenta"
Ngumisi si Luanne at muling nagmaneho.
"And you girls are soooo problematic" panggagaya pa ni Caleb sa pagsasalita ni Luanne.
"We're here"
Huminto kami sa isang bakanteng lote. Masyadong malawak sa lugar na ito at mukhang mahihirapan kami'ng hanapin kung nasaan si Parzival.

YOU ARE READING
A Bit Sweet (Coffee Flavor #2) ON-GOING
RomansaChildhood Series #2: Undyingly Beautiful Amaranthine Becket, a girl with a simple dream and a simple life. Beautiful, bubbly and intelligent. An almost perfect person yet insensitive one. Literally. She doesn't feel any pain. But she can love.