Ellison's POV
Nag-umpisa na ang laro at kagaya ko, maraming mga babae ang nanunuod din sa gym. Wala namang event at tanging laro-laro lang ng mga estudyante bilang ngayon ang unang araw ng klase.
"GOO FAFA CALEB!!" sigaw ko pa.
Sinamaan ko ng tingin si Luna na pinagtatawanan ako.
"Asan si Thine?"
Saktong pagkatanong ko ay sumulpot si Thine na nakasimangot. Umupo ito sa tabi ko at mukhang hindi natutuwa.
Hindi ko na rin sya tinanong kung ano'ng dahilan dahil mas gusto ko munang i-cheer ang kababata nya.
Thine's POV
Pinanuod ko na lang si Caleb maglaro pero hindi gaya ni Ellison, hindi ako nakikitili. Si Luna naman, paminsan-minsan ay umaangat ang pwet sa upuan lalo na twing nakakashoot si Caleb. Hindi sya sumisigaw pero nakiki-cheer sya, kaya lang ay napakahinhin kumpara kay Ellison.
"Miss, yung kamay mo nagdudugo"
Hindi ko pinansin ang lalaki'ng naupo sa tabi ko. Hinahanap ko ang pwesto ni Parzival. Ang alam ko ay nagpunta rin sya dito.
"Miss, hindi ba masakit?"
Napaigpaw ang kamay ko nang hawakan ito ng lalaki. Nilingon ko sya. I was shocked to see one of Ellison's Mr. Hotties.
Pasikreto kong kinakalabit si Ellison na busy sa pagchicheer.
"Ano ba--- oh my gosh what the.. ANDREEEEW!!"
Halos magwala si Ellison sa pagkaway sa tinawag nyang Andrew. Nakangiti naman ito sa kanya.
"Y-yung kamay mo kako, dumudugo. Ayos ka lang ba?" Mahinahon ang boses nya at mukhang mabait naman sya.
"Ayos lang ako, titigil din yan" tugon ko at saka dumiretso ng upo.
Hindi pa rin tumitigil sa pag ngiti si Ellison kay Andrew kaya agad na nakipag-palit ako sa kanya ng pwesto para naman makatabi nya na.
"Okay ka lang, Thine?" Malambing na tanong ni Luna.
Bukod sa boses ni Parzival, ang boses ni Luna ay masarap din sa tenga. Hindi kagaya ng boses ni Ellison na daig pa ang nakalunok ng microphone.
Matapos ng game, nilapitan kaagad naming tatlo si Caleb. Inabutan naman sya ng number 1 fangirl nya na si Ellison ng tubig at bimpo.
"Wow assitant ka girl?" Pang-aasar ko pa sa kanya.
"It's my pleasure to serve you, My hottie number 3" kinikilig-kilig pa si Ellison habang nakatitig kay Caleb na naiilang na sa kanya.
"Nagdudugo yung kamay ni Thine kanina" pagsusumbong pa ni Ellison kay Caleb.Ngumiti lang naman si Caleb at walang pag-aalalang mababakas sa mukha nya. "Ayos lang yan, normal naman yan" sabi pa nito saka nagpaumunang maglakad.
Paglabas namin ng gym ay sinalubong kami ni Jasper at Collen. Inakbayan nito si Caleb."Ang galing mo kanina, pre. MVP!"
My eyebrows literally arched. Kelan pa sila naging close?
"Parzival!" Napadiretso na naman ako ng tayo nang marinig ang pangalan ni Parzival.
YOU ARE READING
A Bit Sweet (Coffee Flavor #2) ON-GOING
RomanceChildhood Series #2: Undyingly Beautiful Amaranthine Becket, a girl with a simple dream and a simple life. Beautiful, bubbly and intelligent. An almost perfect person yet insensitive one. Literally. She doesn't feel any pain. But she can love.