Chapter 7

14 9 0
                                    

Thine's POV

 
"Thine---" napitlag pa ako nang may humawak sa balikat ko.

 
Tiningala ko ito at anak ng sinigang, si Parzival nga!


Ngumiti ako sa kanya.


Pero muling bumalik sa isip ko ang sinabi nya kagabi, hindi nya ako kilala.


Agad na binawi ko ang ngiti ko at inalis ang kamay nya na nasa balikat ko.

Hinarap ko ang mangkok na may sinigang saka ito kinausap.

 
"Ano'ng kaylangan mo?" Tanong ko pa sa sinigang na kaharap ko.

 
"Come with me" sagot ng sinigang.

 
"Ako na lang Mr. Hottie number 1" may pataas-taas pa ng kamay si Ellison. Taga-pigil naman si Luna sa kaibigan naming nagwawala at parang ngayon lang nakakita ng gwapo.

 
I cleared my throat, ayaw kasing tigilan ni Ellison si Parzival. Nagtatampo lang ako, pero akin pa rin to.

 
Tumayo ako at nagpaumunang lumabas ng canteen. Ramdam ko rin naman na kasunod ko si Parzival.

 
Hindi ko sya iniimik, hindi nya rin ako kinakausap. Lakad lang ako nang lakad.

 
Natigilan ako nang hawakan nya ang kamay ko at hilahin.

 
"Ano'ng---"


"I said come with me, bakit ikaw ang nauuna?" Natatawa pa nya'ng sabi dahilan para lumabas ang dimple nya sa magkabilang gilid sa ibaba ng labi nya.

 
Wag kang ngingiti, Thine. Hindi ka pinalaking marupok ng Kuya Argonne mo.

 
Huminga pa ako'ng malalim para matigil ang pagtatalo ng utak at puso ko.
 
 
Bumalik ako sa huwisyo nang bitiwan nya ang kamay ko at huminto sa harap ng clinic.

 
"Tara, gagamutin ko yang sugat mo" naglabas sya ng susi at binuksan ang clinic. Isinarado nya rin iyon kaagad.

 
Naupo ako sa isa sa mga kama at saka sya pinanuod na kumuha ng mga gamit.
 
 
Kulang na lang sa kanya ay lab gown. Sobrang gwapo maging ng likuran nya.

 
"Hindi ko alam na nandun ka pala" nahihiyang wika nya pagtutukoy sa nangyari kagabi.

 
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang itukod nya ang kaliwang tuhod nya sa sahig habang tila nagpopropose at nakaharap sakin. Hindi ko rin maiwasang kiligin nang hawakan nya ang kamay ko. Tiningnan nya ang braso ko na may malaking pasa at may gasgas pa.

 
"Kaya pala sinabi mo'ng hindi mo ko kilala" pag-iinarte ko pa.

 
Natawa sya. Inumpisahan nya'ng gamutin ang braso ko, nilagyan nya ng betadine ang bulak at saka ito dahan-dahang idinampi sa gasgas ko.
 
 
"Sinabi ko yun kasi ayokong madamay ka pa"

 
Pasikreto ako'ng napangiti dahil sa sagot nya. Lalong naging masarap sa pandinig ang sinabi nya dahil sa lalim ng boses nya.

 
Ni minsan ay hindi ko naimagine ang ganitong eksena, na gagamutin nya ang sugat ko. Edi sana, matagal na kong nakipag-bugbugan sa harapan nya.

 
"Ano palang ginagawa mo dun kagabi?"


Napaupo ako ng diretso nang tanungin nya ako. Naalala ko na naman yung love letter. Dapat bang banggitin ko iyon, o dapat ko na lang hayaan? Baka naman nanduon sya para itapon yon?

 
"M-magtatapon lang ng basura" sagot ko.
 
 
Humila sya ng upuan at ipinuwesto iyon sa harapan ko saka sya naupo.


"Tsk bat kasi nakipag-away ka?" Halata sa paraan ng pananalita nya ang pagkadismaya. "Hindi naman porke may alam ka sa pakikipag-laban, gagawin mo na yun" dagdag nya pa.

 
Nakaramdam ako ng tila kuryente nang lumapat ang palad nya sa jawline ko. Itinagilid nya ang mukha ko para maharap sa kanya ang kaliwang pisngi ko.
 
 
"I-ikaw, bat ka nanduon kagabi?"
 

Hindi ko alam bakit pa ako nagtanong. Pakiramdam ko naman ay masasaktan lang ako sa isasagot nya. Baka kaya sya nagpunta ay para itapon talaga ang walang kwentang love letter ko para sa kanya. Baka napangitan sya sa paraan ng pagsusulat ko kaya itatapon nya na lang aisht!

 

"Nag-treasure hunt" seryosong sagot nya.

 
Nginiwian ko lang sya bilang sagot. Treasure hunting? Sa basurahan? Seryoso ba sya?

 

"Anyways, kilala ka na ng grupo ni Armin", huminto sya saka binitawan ang pisngi ko. Humarap naman kaagad ako sa kanya.

 
Tinitigan nya ako, "You're not safe anymore" seryoso na namang aniya. Hindi naman ako nakaramdam ng kaba dahil sa kalagayan ko, hindi naman ako dapat matakot.
 

"Ano ka ba, fighter yata ako--"

 
"Di mo sila kilala" he cut my words. He sighed and stared at me. "Let me protect you... Thine" both of his eyebrows arched as if he's pleasing me and waiting for my response.

 
Walang anu-ano'y sunod-sunod ang naging pagtango ko. Hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataon. Si Parzival na 'to oh, yung tao'ng mahal na mahal ko.
 
  
 


Ellison's POV

 
Pabalik na kami sa dorm nang may humarang na babae sa harapan namin. Tiningnan ako nito mula paa hanggang ulo.


"You!" Sigaw nya pa habang dinuduro-duro ako.

 
Kinunotan ko sya ng noo. "May kaylangan ka?" Kaswal kong tanong rito.

 
"Hoy amazona, I just want you to know na wala kang karapatang saktan ang boyfriend ko. Kababae mong tao---"

 
"Pinagsasabi mo?" Hindi ko pinansin ang babae at hinila na si Luna paalis, kasunod naman namin si Caleb.

 
"I'm not yet finished with you!" Sigaw pa nya saka nagmamadaling tumakbo sa harapan ko.

 
"You're Thine right? Wag mo kong pinaglololoko. Panagutan mo yung ginawa mo sa ---"

"Ellison Aquillez is my name, Ellis to my friends but you... Can call me Ellison" tinaasan ko sya ng isang kilay.

 
Natahimik ang babae at halatang napahiya. Hindi ko ugali ang pakikipag-away pero wala rin sa bukabularyo ko ang manahimik kaya kung ang gusto ng babaeng ito ay mapahiya sya, I'll give her what she deserves.

 
"S-so you're not Thine?"

 
Nilampasan na namin sya at dumiretso sa dorm. Inihatid naman kami ni Caleb na nagsabing hahanapin nya si Thine para ipaalam ang nangyari.
 
 
"Sa palagay mo, sino yung babaeng yun?" Tanong ko kay Luna na kanina pa tahimik.


Sabagay, lagi pala talaga sya'ng tahimik.

 
"Baka isa sa mga lalakinh binugbog ni Thine yung boyfriend nya" mahinahong sagot naman nya.

 
"Hala oo nga, malamang naconfine yung boyfriend o di kaya na-comatose. Baka mamaya braindead na or worse... Patay na"

 
Pinaningkitan ako ng mata ni Luna saka ako tinalikuran.


"Grabe ka naman sa speculations mo" natatawa nyang sagot.

 
Kumuha sya ng libro saka naupo sa harap ng study table nya. Naupo naman ako sa kama ko at saka yumakap sa hagdan ng double deck.


"Buti pa kayo masipag mag-aral" nakangusong wika ko habang pinapanuod si Luna. 
 
 

A Bit Sweet (Coffee Flavor #2) ON-GOINGWhere stories live. Discover now