Thine's POV
Isinarado ko ang gate at muli sya'ng hinarap. Para ako'ng nagyelo nang yumuko sya at kunin ang kamay ko para halikan na naman ito.
GAGI KA PARZIVAL!!
"Ang bango ah, nagluto si Luna?"
Naglakad sya papasok sa loob ng bahay. "Nope, si Ellison yun"
Kinuha ko ang bag nya at ibinaba ito sa sofa. Lumabas mula sa kwarto si Luna, pupungay-pungay pa ang mata nya.
"Dito na kayo, Thine! Hindi si Parzival ang almusal" sigaw ni Ellison mula sa kusina.
Bwisit talaga yung isang yun eh. Tatawa-tawa namang naglakad si Parzival papasok sa kusina.
"Wow marunong ka pala magluto" dinig ko pang pang-aasar nya kay Ellison. "Sana buhay pa kami pagkakain nyan ah" dagdag nya pa.
Naabutan kong masama ang tingin ni Ellison sa kanya at parang gusto na manaksak nito.
"Alam mo, gusto kita para kay Thine pero ngayon hindi na"
Umupo ako sa tabi ni Parzival, kaharap naman namin si Ellison at Luna.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang marinig ko ang pagbukas ng gate kasunod ng pagbukas ng pinto.
"Sino yun? Kuya mo?" Kibit-balikat lang ang isinagot ko kay Ellison. Tumayo ako para tingnan kung sino ang dumating.
Parang nalungkot ako nang makita si Caleb na malapad ang ngiti. "Si Luna?" Bulong nya pa sa'kin dahilan para mas lalo ako'ng malungkot.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya. Ayokong makielam pero ayoko ring masaktan sya.
Magsasalita na sana ako pero tuloy-tuloy sya sa kusina. Sinundan ko sya at kitang-kita ko ang saya sa mga mata nya. Nagkatinginan kami ni Ellison at mukhang pareho kami ng iniisip.
"Nag-almusal ka na?" Tumayo si Ellison at kinuha ng baso si Caleb.
"Hindi pa. Pero kung luto mo yung kakainin ko, wag na lang" sinamaan ko ng tingin si Caleb dahil sa sinabi nya.
"Bwisit ka" inis na wika ni Ellison.
Imbis na maupo ay nagluto pa rin sya at inilapag ito sa harapan ni Caleb. "Kumain ka, baka yan na kasi yung huling kain mo"
Naupo si Caleb sa tabi ni Luna. Saktong tumayo naman si Luna para ilagay sa lababo ang pinagkainan nya. Natapos na rin kami ni Parzival at naiwan si Ellison at Caleb sa mesa.
Nag-ring ang cellphone ni Luna, nagmamadali nya'ng sinagot ito at pumasok sa kwarto ko. Nagkatinginan kami ni Ellison saka sabay na bumuntong-hininga.
"Ikaw na magsabi" bulong ko kay Ellison. Hinila ko si Parzival papuntang sala, ayokong ako ang magsabi kay Caleb.
"Ano'ng meron?" Takang tanong ni Parzival nang maupo ito sa sofa.
"Naglaro kasi kami kagabi" halos pabulong na lang ako magsalita para hindi marinig ni Luna ang pinag-uusapan namin. "Tapos nalaman namin na may boyfriend na pala si Luna"
Halata namang nagulat rin si Parzival sa sinabi ko pero hindi kagaya namin ni Ellison, tumaas lang ang dalawang kilay nya. Tsk samantalang kami ni Ellison, nakanganga pa.
"Namomroblema ko kay Caleb" dagdag ko pa.
Nainis ako nang makitang ngumiti si Parzival. Paanong nakuha nya'ng ngumiti sa ganitong sitwasyon? Tss
"Hindi mo dapat pinoproblema yun" parang ang gaan-gaan lang kapag si Parzival ang nagsasalita.
"There are some people we are fated to meet," ngumiti na naman sya'ng muli na para bang pati kalooban ko ay gumaan, "and there are some people we are fated to leave"
YOU ARE READING
A Bit Sweet (Coffee Flavor #2) ON-GOING
RomanceChildhood Series #2: Undyingly Beautiful Amaranthine Becket, a girl with a simple dream and a simple life. Beautiful, bubbly and intelligent. An almost perfect person yet insensitive one. Literally. She doesn't feel any pain. But she can love.