Chapter 11

12 9 0
                                    

Thine's POV

 
Hapon na nang umuwi kami ni Parzival. Kukuha lang pala sya ng gamit nya kaya sya nagpunta sa condo. Hindi raw kasi sya nakauwi nung weekend kaya dito na lang sya kumuha.

   

Pagbalik ko sa dorm, kasalukuyang kumakain ang dalawang babae. "Kain, Thine" aya ni Ellison sa'kin.


"Saan ka galing, Thine?" May pag-aalalang tanong naman ni Luna.

 
"Sa condo ni Parzival" sagot ko naman.

 
Nanlalaki ang mata nilang dalawa. Naupo ako sa kama ni Ellison, at yumakap sa hagdan kagaya ng palagi nya'ng ginagawa.

 
"Seryoso ba?" Tanong ni Luna.

"Ano'ng ginawa nyo ha? Oh my gosh, Thine nasusuka ka ba? Ano'ng nararamdaman mo? Buntis ka ba?"

 
Nasampal ko ang sarili ko sa inis kay Ellison. Nakangiwi naman si Luna dahil sa mga pinagsasabi ng kaibigan namin.

 
"Sinundan ko kasi sya kanina, di ko naman alam na sa condo pala sya pupunta. Pinagluto nya lang ako ng sinigang"
 
 
Abot-langit naman ang ngiti ni Luna habang si Ellison ay disappointed.


"Hala nakakakilig naman yun" mahinhing wika ni Luna.
 
Hinarap sya ni Ellison, "Ano'ng nakakakilig dun? Tsk" bumaling naman sya sa'kin, "Yun lang yon? Pinagluto ka lang nya ng sinigang tapos umuwi na kayo?"

 
Umiling ako, "Hindi, kinain din namin yung sinigang syempre"


"Ang boring naman Thine. Sana dinamba mo na tapos hinalikan mo. Para wala nang atrasan"

 
Tinakpan ni Luna ang tenga nya, pinagtawanan ko naman si Ellison sa mga pinagsasabi nya.


"Ano ka ba, ang mahalaga nakasama ko sya ngayong araw"

 
Ngumiti ako'ng muli saka tumingin sa salamin habang patuloy na nakayakap sa hagdan. Pag naaalala ko yung ngiti ni Parzival, pakiramdam ko pwede na ko mamatay.




Yani's POV


Nakaupo ako sa canteen nang lapitan ako ng isa sa F4. He looked at me as if I did a big mistake. Mukhang kagaya ni Andrew, may galit din ito sa'kin.


"Ano'ng problema?"

Hindi sya kumibo, naupo sya sa upuang nasa harapan ko. I sip my milk tea saka sya tinitigan. Hindi ba sya magsasalita?

 

"What's the matter, Mr. Mariano?"

 
Huminga sya ng malalim bago magsalita. "You're one of the inspectors, right?"

 
I arched my eyebrow. Hindi ako kasali sa nag-inspect, "Oo bakit?"

 
Nag-tiim bagang sya bago pa uli sumagot. "Y-yung letter na nasa bag ko, saan nyo dinala?"

 
Aba, malay ko.

 
"I'm not going to tell you" tumayo ako saka sya tinalikuran. Akala ko'y hahabol sya pero hindi.


 
 
Bumalik ako sa office at kaagad kong tinawagan si Mikee.
 
"Hello, Mikes? You're one of the inspectors, right?"

 
 
 

Thine's POV

 
Anatomy class slash worst class. Sa lahat ng subject, dito talaga ako pinaka nahihirapan. Masyadong kumplikado pero kahit papano ay napapadali dahil kay Caleb.

 
Nasa unahang upuan ako habang sina Parzival ay nasa likurang bahagi ng classroom.


Gusto ko sya'ng makita pero naka-ilang lingon na'ko. Baka makahalata na sya.

 
Inilabas ko ang salamin na palagi kong binabaon. Isinandal ko ito sa tumbler ko na nasa ibabaw ng mesa. In-adjust ko ito ng kaunti at magic! Nakikita ko na si Parzival.

A Bit Sweet (Coffee Flavor #2) ON-GOINGWhere stories live. Discover now