Thine's POV
Kasalukuyan kami'ng nasa classroom at hinihintay ang uwian. Mayroon daw kasing inspection sa bawat classroom at kami na ang susunod, kaya ngayon, magse-self study na lang muna kami.
Habang nakatitig sa libro, hindi ko maiwasan ang mapangiti. Naalala ko na naman yung nangyari nung nakaraan.
'Let me protect you'
Pag naalala ko talaga yung malalim nya'ng boses at ang malambing na pananalita nya, parang gusto ko na lang lumuhod at magpropose sa kanya.
"Hoy babae, ano'ng nginingiti-ngiti mo dyan?" Inirapan ko si Ellison. Napakaepal, nagmomoment ako eh.
"Oy iihi lang ako ah" paalam ko pa sa kanila saka tumayo.
Sa sobrang kilig ko, naiihi na ko.
Lalabas na sana ako ng room nang harangin ako ng isang babae. Matangkad ito kumpara sa'kin. Naka-pantalon at crop top ito. Masyado ring matingkad ang make up nya.
Hindi ko type.
Lalagpasan ko na sana sya nang hawakan ako nito sa braso. Agad ko namang inalis ito at sinamaan sya ng tingin.
"Thine, right?"Sa porma nya pa lang, masasabi ko nang palaban talaga sya.
"Hmm, bakit?" Kaswal na tanong ko.
Tiningnan ako nito mula paa hanggang ulo. I arched my left eyebrow saka ginaya ang ginawa nya. She smirked saka ako itinulak.
Naramdaman ko naman agad ang paglapit nila Ellison at Luna.
"Teka, itetext ko to kay Caleb" dinig kong wika ni Luna.
"Wait bat may number ka ni Caleb?" Reklamo pa ni Ellison dito.
Hindi ko pinansin ang dalawa. Pag-aawayan pa ba nila si Caleb sa ganitong sitwasyon?
"Sino ka ba?"I stood straight saka nilapitan ang babae. "Alam mo bang naiihi ako? Pag ako naihi dito ha"
Lalampasan ko na sana sya'ng muli nang pigilan na naman nya ako.
"I'm Armin's girlfriend"
Napapikit ako sa inis, "First of all, who the heck is Armin? At isa pa, pake ko?"
She smirked again. Ayoko talaga na babae ang nakakalaban, bukod sa puro salita lang, hindi pa exciting.
"So binugbog mo yung boyfriend ko kahit hindi mo naman sya kilala? How rude of you, Ms. Thine" umiling-iling pa sya na akala mo napakalaki ng kasalanang ginawa ko.
Bigla namang sumagi sa isip ko na binanggit na ni Parzival ang pangalang iyon nung ginamot nya ko.
"Ahhh yun ba? Kumusta na sya? Paki sabi yung bilin ko ha, wag nya'ng kakalimutan"
"Matapang ka talaga ha?" Tiningnan ko lang sya na para bang walang alam sa sinasabi nya. "I won't fight with you, alam ko na kung sino at ano ka. But remember..."Yumuko sya at tumapat sa tenga ko, "You'll regret this later" wika nya pa saka naglakad palabas ng room.
"Mama mo regret" inis ko pang bulong sa sarili.
Nilingon ko sina Ellison at Luna na hanggang ngayon ay nagtatalo dahil sa number ni Caleb.
"Ano di pa kayo tapos?"
"Pano kasi si Luna, naunahan nya pa kong makakuha ng number ni Caleb. Hmp"
"Pero si Caleb nagbigay nito sa'kin, sabi nya wag ko daw ibigay sayo"
YOU ARE READING
A Bit Sweet (Coffee Flavor #2) ON-GOING
RomanceChildhood Series #2: Undyingly Beautiful Amaranthine Becket, a girl with a simple dream and a simple life. Beautiful, bubbly and intelligent. An almost perfect person yet insensitive one. Literally. She doesn't feel any pain. But she can love.