Thine's POV
I was sitting at the bench near the front gate when I saw Parzival. Diretso ito'ng naglalakad at seryosong-seryoso ang mukha. Kakatapos lang ng klase namin, sila naman ay walang klase ngayon.
Palabas pa ba sya?
Nagmamadali kong itiniklop ang librong hawak ko at isinilid ito sa bag. Dahan-dahan ako'ng naglakad para sundan sya.
Napansin ko'ng may earphone rin sya kaya malamang ay hindi nya ako naririnig.
Nasa labas na kami ng campus at diretso pa rin sya sa paglalakad. Saan kaya sya pupunta?
"Hays bakit ba kita sinusundan?"
Itinaas ko ang kamay ko sa ere at kunwaring iginuguhit ko ang likuran nya. Natutuwa rin ako'ng pagmasdan ang pagsayaw ng buhok nya na dinadala ng hangin.
"Naka t-shirt at pants ka lang naman pero bakit ang gwapo mo pa rin?"
Huminto ako nang makitang huminto rin sya. Tinanaw nya ang isang mataas na building na nasa harapan namin ngayon.
Pumasok sya, so as me. Sinundan ko sya hanggang sa sumakay sya ng elevator. Sumakay ako sa kabila at pinindot ang floor kung saan sya bababa.
Pagdating sa 6th floor, huminto sya sa isang kwarto at inilabas ang susi saka ito binuksan. Dahan-dahan ako'ng naglakad papalapit don nang makapasok sya.
Hindi nya isinarado ang pinto. Sumilip ako sa loob, at malamang, ito ang condo nya. Bakit naman sya pupunta dito ngayon?
Napanganga ako nang makitang lumilipad ang suot nya'ng t-shirt papunta sa sofa. Hindi ko sya nakikita dahil nakaharang ang pinto at tanging ang sala lang ang nakikita ko dahil nagtatago ako.
Oh my gosh don't tell me may kasama sya'ng babae dito?
Are they going to do that 'thing'?
Aalis na sana ako nang may humatak sa'kin papasok sa loob. Nakapikit ako dahil ayokong makita ang kung ano mang ginagawa nila, paniguradong ikadudurog lang ng puso ko.
"Done looking at my precious body?"
Napadilat ako nang marinig ang malalim na boses ni Parzival at ang pagtama ng hininga niya sa mukha ko.
Nakasandal ako sa pinto. Ang kaliwang braso nya ay nakaharang sa right side, at ang katawan naman nya ang nakaharang sa kabilang gilid argh.
Mula sa mukha nya ay bumaba ang paningin ko sa katawan nya na walang pang-itaas. Tumalikod ako at saka hinarap ang pinto.
Bigyan nyo po ako ng mahabang pasensya dahil baka hindi ako makapagtimpi kay Parzival.
Nang marinig ko ang paglakad nya palayo sa'kin, agad-agad ako'ng tumakbo paupo sa sofa. Hindi pa rin sya nagbibihis at nakatengga pa rin ang katawan nya.
Hindi ko naman sya nakikitang mag-gym, malamang ay dahil volleyball at badminton player sya kaya malaki ang katawan nya.
"What do you wanna eat?"
'ikaw'
Pumikit ako para tanggalin ang kalokohan sa isip ko. No, Thine. Hindi pwede.
"W-wala, busog na ko" nginisian nya na naman ako. "B-busog PA ako, I mean"
Kinagat ko ang ibabang labi ko nang pumasok sya sa kusina. Bukas naman ang aircon pero bakit naiinitan ako?
"Hindi ka ba nilalamig, ha?" Malakas kong tanong dahil nasa kusina pa sya.
"Hindi," lumabas sya mula sa kusina na may hawak na carrot at sumandal sa gilid ng pader, "nag-iinit nga ko eh. Di mo ba ramdam?" Idinikit nya pa sa pisngi nya ang carrot na hawak.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Jusko, kung panaginip po ito, mabaog sana ang gigising sa'kin.
YOU ARE READING
A Bit Sweet (Coffee Flavor #2) ON-GOING
RomansaChildhood Series #2: Undyingly Beautiful Amaranthine Becket, a girl with a simple dream and a simple life. Beautiful, bubbly and intelligent. An almost perfect person yet insensitive one. Literally. She doesn't feel any pain. But she can love.