Thine's POV
"P-Parzival?"
Kunot-noo lang itong nakatingin kay Ellison na sya'ng tumawag sa kanya. Si Luna naman ay nagtago sa likuran ko, natakot yata sa aura ni Parzival.
"Kilala mo rin sya?" Bulong ni Ellison sa'kin.
Hindi naman ako makasagot lalo na nang malipat sa'kin ang tingin ni Parzival. Tinaasan nya ako ng isang kilay.
"Hello Parzival! I am Ellison from BS Nursing. These are my friends, Luna and Amaranthine"
Gusto ko na lang magpakain sa lupa dahil sa ginagawa ni Ellison. Halata namang hindi sila interesado sa amin.
Bago pa kami tuluyang mapahiya, hinila ko na silang dalawa palayo sa tatlong lalaki na walang ibang ginawa kundi ang tingnan lang kami.
Pagbalik namin sa dorm, tinulungan na lang namin si Luna sa pag-aayos ng mga gamit nya na hindi nya nagawa dahil sa pang-aabala ni Ellison.
"Ano'ng tingin nyo sa F4 natin? Iba-iba sila ng traits noh? Pero pinakabet ko talaga sa kanila si Mr. Hottie number 2 eh"
Nanatili namang tahimik si Luna at nagliligpit ng mga damit nya.
"Nga pala Thine, bakit mo kilala si Parzival? Wag mo sabihing childhood friend mo din sya?"
Inilapag ko sa study table ni Luna ang ilang libro na dala-dala nya. Mukhang masipag rin sya'ng magbasa at magkakasundo kami.
"Kapitbahay ko sya" nanlaki naman ang mata ni Ellison habang si Luna ay natatawa lang dito.
"Oh my gosh, did you saved our universe on your past life? Bukod sa childhood friend mo si Caleb, kapitbahay mo pa si Parzival? OMG"
Pinagtawanan lang namin sya ni Luna. "Nga pala Luna, BS Nursing ka rin ba?" Tumango naman ito bilang sagot.
Kung gano'n pala ay magkakaklase kami. Nabanggit kasi ni Ellison na isang section lang daw kami dahil hindi naman marami ang nag-enroll dito sa kursong Nursing.
"Ay Thine may nabasa pala ko tungkol sayo. Kickboxer ka daw?" Ngumiti naman ako kay Ellis saka tumango.
Gulat na gulat sya at kitang-kita iyon sa mukha nya. Namimilog ang bibig at dalawang mata nya at mukhang hindi makapaniwala.
"S-sa payat mo'ng yan, Kickboxer ka?" Lumapit pa sya sa'kin at chineck ang buong katawan ko.
"Ang ganda mo para maging kickboxer" pinagtawanan ko lang sya saka bumalik sa study table ko.
Palihim kong inilabas ang slam book na naglalaman ng information ni Parzival. Marami rin itong litrato nya na makikita sa bawat pages. Ang mga litratong ito ay kinunan ko mismo.
Tuwing naglalaro sya ng volleyball o badminton, wala sya'ng time para mapansin pa ako at halos lahat rin naman ay kinukuhanan sya ng picture. Hindi nga lang ako makatili dahil bukod sa mapapaos ako, malalaman pa nya na gusto ko sya.
Pero ang pinaka-paborito kong litrato nya ay ang kuha ko nung nagchechess sya. Sumali sya sa isang tournament kung saan mga adults na ang kalaban nya. Kahit na hindi iyon kasali sa competition sa school, pumunta pa rin ako sa laban nya dahil ang Parzival na paborito ko ay ang Parzival na chess player.
"Woah so fan ka pala ni Mr. Hottie number 1?" Mabilis kong isinarado ang slam book at itinago ito sa kaila-ilaliman ng bag ko.
"Tsk ang chismosa mo" nakanguso kong sabi kay Ellis na ngayon ay mukhang kilig na kilig.
YOU ARE READING
A Bit Sweet (Coffee Flavor #2) ON-GOING
RomanceChildhood Series #2: Undyingly Beautiful Amaranthine Becket, a girl with a simple dream and a simple life. Beautiful, bubbly and intelligent. An almost perfect person yet insensitive one. Literally. She doesn't feel any pain. But she can love.