Ellison's POV
"Pinuntahan natin sila tapos iiwan tayo dito?" Reklamo ko pa saka naupo sa kama ni Thine.
"Wow kanino kaya galing to?" Lumapit si Collen sa mesa at kinuha ang isang basket na puno ng prutas. May box rin ng cake at iba pang pagkain.
"Malamang, nagpunta si Tita Patricia dito" sagot naman ni Caleb at nag-umpisang buksan ang isang orange.
"Sayo ba yan ha? Bat binubuksan mo?" Sita ko rito at kaagad na inilayo ang prutas sa kanya.
"Epal ka, tita ko rin naman si Tita Patricia kaya wala kang pake!" Binawi nya sa'kin ang orange at kinain ito. Epal talaga hmp.
Thine's POV
"Ano bang ginagawa mo?" Sita ko kay Parzival nang pumasok sya sa isang kwarto.
"Masikip yung cr sa kwarto mo, dito ka na maligo" inilapag nya ang gamit ko sa isang table.
"B-bakit ba--"
"Office to ni Papa" itinuro nya ang lirato na nasa lamesa. "Don't worry, mamaya pa sya'ng gabi dadating. Nagpaalam na rin ako. Sige na maligo ka na"
Hindi na ako nakapag-salita pa at dinampot na ang gamit. "I'll wait for you here"
Habang naliligo, hindi ko maiwasang isipin yung nangyari. Una ay hinalikan nya ako habang nakaupo tapos ay hinalikan nya ako nang nakahiga. Siguro pagkatapos nito, hahalikan nya naman ako ng nakatayo?
AY BET!
Okay ang landi ko na.
Pero bakit nya ba ako hinalikan? Dahil ba naaawa sya sa'kin? Naguiguilty pa rin ba sya? Kasi panigurado ako'ng hindi nya ako gusto. Baka iyon na ang bayad nya sa ginawa ko?
Pero kahit ano pa mang dahilan, ang mahalaga first kiss ako ni Parzival at sya rin ang first kiss ko.
Lumabas ako sa banyo at gaya nga ng sabi nya, maghihintay sya. Nakasandal sya sa mesa ng Papa nya. Habang pinagmamasdan ko sya, hindi ko maiwasang kiligin. Likod pa lang nya, ang gwapo-gwapo na. Hays.
"T-tapos na ko"
Naglakad ako palapit sa pinto at nilagpasan sya. Akala ko ay safe na ako'ng makakalabas.
Hinila nya ako habang sya ay nakasandal pa rin mesa.
"Parzival, ano bang ginagawa mo?" Naguguluhan kong tanong.
Nakatitig sya sa'kin at ganun din ako sa kanya.
Hindi sya nagsalita at sa ikatlong pagkakataon, hinalikan nya na naman ako. Hindi ako pumalag pero hindi rin ako sumagot. Hindi ko alam kung pipigilan ko ba sya o dapat ko na lang sya'ng hayaan dahil gusto ko rin naman.
Ilang segundo lang ang tinagal ng halik tapos ay bumitaw na sya.
Bitin.
Kinuha nya ang paper bag sa kamay ko at ibinaba sa mesa. Kinuha nya naman ang kamay ko at hinalikan iyon. AT MAS NAKAKAKILIG YON!
"May sakit ka ba ha?" Akmang kakapain ko ang noo nya nang kunin nya na naman ang kamay ko at halikang muli.
"Parzival" nawawalan na ko ng pag-asa dahil pakiramdam ko ay nababaliw na sya. Nakangiti lang sya sa'kin at hindi nagsasalita.
"Ano bang---"
"Okay na ko ulit" pag putol nya sa'kin. "I feel dizzy and lightheaded before pero ngayon, okay na ko" ngumiti sya nang todo dahilan para maningkit ang mga mata nya.
YOU ARE READING
A Bit Sweet (Coffee Flavor #2) ON-GOING
RomanceChildhood Series #2: Undyingly Beautiful Amaranthine Becket, a girl with a simple dream and a simple life. Beautiful, bubbly and intelligent. An almost perfect person yet insensitive one. Literally. She doesn't feel any pain. But she can love.