Caleb's POV
Bitbit ko ang prutas na binili ni Luna at Ellison para kay Thine. Sinabi ng doctor na kaylangang maconfine si Thine dahil sa dami ng pasa at sugat na tinamo nya. Inutusan rin kami ni Thine na huwag nang sabihin pa sa kuya nya.
"Hays sayang wala ka kanina Luna, kung nakita mo kung gaano kagaling makipag-laban si Thine, baka tinalo nya pa si Cardo Dalisay" may pa suntok-suntok pa sa ere si Ellison habang nagkukwento kay Luna.
"Alam ko namang magaling talaga si Thine" mahinhing sagot naman ni Luna.
Mag-a-alas otso na ng gabi nang makarating kami sa ospital. Dumiretso naman kami sa kwarto ni Thine. Kasalukuyan ito'ng nakahiga at natutulog. Lumabas na rin ang mga pasa nya na karamihan ay sa braso at kamay. Nakabenda rin ang palad nya na may malalim na sugat.
Nasasaktan ako pag nakikita ko'ng ganyan sya pero alam ko'ng hindi ko rin sya mapipigilan. Alam ko kung gaano nya kamahal si Parzival at walang kahit na sino'ng makakapigil sa kanya kanina.
"Ang daming sugat ni Thine" naiiyak na wika ni Luna nang lapitan ang kaibigan.
Lumapit naman ako kay Parzival na halatang kakagising lang rin dahil medyo namumula pa ang mata nya.
Sinenyasan ko ito'ng lumabas para mag-usap kami. "Wag nyo'ng gigisingin si Thine ah" bilin ko pa sa dalawang babae bago sumunod kay Parzival na nauna nang lumabas.
Nakatanaw kami sa city lights at tanging malalim na hinga lang naming dalawa ang maririnig. Pareho kaming nagpapakiramdaman kung sino ang mauunang magsalita pero alam ko'ng ako dapat.
"Salamat" pasimulang wika ko. Tiningnan nya lang ako at hindi umimik. Ganyang-ganyan naman talaga sya, bata pa lang kami.
"Alam ko'ng ako palagi ang nasa tabi ni Thine pero hindi ko sya napoprotektahan" ngumiti ako kahit na sa totoo lang, nakakababa ng pagkatao.
"Wag kang maguilty sa nangyari, ganun talaga si Thine"
"Lalo na sa'yo"
Sumilay ang matipid na ngiti ni Parzival pero agad ding napawi.
"Kahit ano'ng sabihin mo, maguiguilty pa rin ako. I told her na poprotektahan ko sya pero tingnan mo ngayon" ngumiti sya ng mapait.
"May bagay na dapat mo'ng malaman pero wala ako sa posisyon para magsabi non"
Dahil si Thine lang naman talagan ang may karapatang ipaalam yon kahit kanino.
Jasper's POV
Magkasama kami nina Collen at Andrew na naglalakad at papasok na sana sa kwarto ni Thine nang makitang nag-uusap si Caleb at Parzival sa dulo ng hallway habang nakatanaw sa labas ng ospital.
Lumapit ako para sana kumustahin sila.
"Thine really loves you, Ziv" napaatras ako sa narinig ko.
"Matagal na matagal na" dagdag pa ni Caleb dahilan para lalong madurog ang puso ko.
Alam ko naman na pero bakit ang sakit pa rin?
"She always wearing her precious smile whenever she sees you. Alam mo bang lahat ng laro mo ay napanuod nya? Mapa-volleyball, badminton lalo na pag chess tournament"
Mas lalong nadurog ang puso ko nang makitang ngumiti si Parzival. Yung ngiti na alam ko ang ibig sabihin.
"Palagi nya pang sinasabi sa'kin na ang paborito nya ay si Parzival na chess player"
![](https://img.wattpad.com/cover/224896530-288-k249827.jpg)
YOU ARE READING
A Bit Sweet (Coffee Flavor #2) ON-GOING
RomanceChildhood Series #2: Undyingly Beautiful Amaranthine Becket, a girl with a simple dream and a simple life. Beautiful, bubbly and intelligent. An almost perfect person yet insensitive one. Literally. She doesn't feel any pain. But she can love.