Hindi naman kami nahirapan sa pagpractice ng kanta "the Prayer" dahil narin naging partner ko siya noon.
Agad niya akong tinalikuran ng matapos kami.
Hindi ko mapigilang sundan siya.
"Jerome!!"
Tiwag ko siya pero hindi niya ako nilingon.
Nag-iinit na naman ang mata ko pero hindi ako huminto sa pagsusunod sa kanya.
"DAISY!!" nahinto ako ng makita ko si Russel sa unahan, masama ang tingin niya sa akin pero iniwas ko ang tingin dito at ipinagpatuloy na sundan si Jerome.
Gusto ko siyang makausap!
Gusto kong malaman ang lahat!!
Sinundan ko siya hanggang sa labas ng paaralan.
Naging mahina ang lakad ko ng makitang may akatagpo siyang ibang babae at nakilala ko ito.
Si Crisilda.
Napahawak ako sa bibig ko dahil gusto ng makawala ang hikbi sa bibig ko.
Naramdaman ko ang yakap niya.
Lumabas ang hikbing pinipigilan ko.
----
Napatingin ako sa inilahad niyang ice cream sa harap ko, may naalala ako dito, nag-iinit ang mata ko pero pinigilan ko ito.
Agad kong linantakan ito.
Pero hindi ko mapigilan ang luhang gusto ng makawala sa mata ko.
"Damn it Daisy! Stop crying!"
Huminto ako sa pagsubo.At pinahid ang luhang nasa pisnge ko.
Hinawi niya ang kamay ko at hinila papalapit sa kanya.
Nakahawak ang isang kamay niya sa likod ko habang ang isang kamay naman ay pinupunasan ang luhang dumadaloy sa pisnge ko.
Ngayon ko lang napansin ang galit sa mga mata nito, nag-igting ang panga nito at nakatiim baga.
Hindi ko na napigilan at niyakap siya ng mahigpit at sinubsub ko ang mukha ko sa leeg niya at humagolgol.
Siguro nasasaktan ito para sa akin noon palang palagi niyang sinasabi na bawal akong magrelasyon dahil masasaktan lang ako pero kahit nga wala pa eh nasaktan nga ako nang sobra dahil umasa ako, umasa akong matugunan ang pag-ibig ko dito.
"I dont know kung ano man ang pinangako ng lalaking 'yon sayo Daisy para masaktan kang ganyan, pero kaya ko itong pantayan."
Napalayo ako sa pagkakayakap sa kanya dahil Naguguluhan ako sa sinabi niya pero nahuli niya ang kamay ko at hinila palapit kaya natukod ko ang kamay ko sa dibdib niya.
Lumaki ang mata ko ng bigla niya akong hinalikan.
Hindi ako makagalaw sa gulat.
Rinig na rinig ko ang labi niya sa akin habang paulit-ulit na hinalikan ang labi ko.
Napasinghap ako ng bigla niya diniin ang halik nito sa akin.
Dahil doon ay nagising ako at bumalik sa sarili.
Agad ko siyang natulak .
Gusto kong lumayo sa kanya pero pinigilan niya ako dahil yakap yakap niya ako.
"Bitiwan mo ako!!" Pilit kong tinutulak siya.
Naging malambot ang kanyang mukha at may naaaninag akong pagsusumamo.
BINABASA MO ANG
YOU BELONG TO ME
Разное"Run! Run as you can! Pero kahit anong takbo mo ! sa akin ka parin mababagsak, akin ka lang! Walang pweding magmamay-ari sayo kundi ako lang! YOU BELONG TO ME!! Remember that." ----Russel Jhon Miller