"Ang daya mo naman daisy, bakit hindi mo kami binigyan ng invitation, ikakasal na pala ang step-brother mo bukas."
Kinabahan ako sa sinabi nito. Marami ba ang nakakaalam sa kasal namin?
"Sino ba ang mapapangasawa niya?"
"Baka yong kasama niyang babae."
Nagbagting ang tingga ko ng marinig iyon.
Napabaling ako kay Jeff na kaklase ko.
"Anong sabi mo!!!" Nabagsak ko ang kamay sa mesa ko.
Nakita ko ang gulat sa mga mukha nila dahil sa ginawa ko.
Napalunok ako.
Kinalma ko ang sarili ko pero hindi parin maalis ang panginginig ng mga kamay ko.
"Bakit Daisy may problema ba??" Taka nitong wika dahil sa naging kilos ko.
Hindi ko siya sinagot.
"Anong nangyari sayo?" Nilapitan na ako ni Gina. Pero hindi ko siya binalingan.
"Saan mo nakita?" Pinatatag ko ang tuno ng salita ko.
"Sa condo niya."
Parang gusto kong mahimatay sa narinig.
Naniwala ako agad dahil iisang lugar rin kami ng condo nito.
Tumulo ang luha sa mga mata ko, dahil sa sakit.
Nakita ko ang gulat sa kanilang mga mata ng makitang nagkaganon ako.
Tumalikod ako at tumakbong mabilis.
Akala ko ba mahal niya ako.
Akala ko ba hihintayin niya ako sa harap ng altar.
Akala ko ba hindi niya ako sasaktan!
Kaya ba walang pangalan ko sa invitation letter dahil may iba na siya!!!!
"Magandang hapon po Ma'am" bungad sa akin ng Guard pero hindi ko ito pinansin.
Nanginginig kong pinindot ang elevator.
Parang lumulutang ako habang papunta sa condo niya.
Hindi ko alam kong ano ang mangyayari sa akin kapag nakumperma ko ang totoo.
Matatanggap ko ba ito??
Katulad sa nangyari sa amin ni Jerome na agad kong natanggap na nagmahal siya ng iba.
Ano ba ang dapat kong gawin uoang bumalik siya sa akin?
Tatanggapin pa kaya niya ako sa kabila ng lahat ng sakit na dinudulot ko sa kanya.
Hindi ko nagawang suklian ang pagmamahal niya.
Naging bulag rin ako sa galit at hinayaan siyang lumayo na hindi ko man lang nasabi na mahal ko rin siya na kahit sa kabila ng ginawa niya sa akin kaya ko siyang patawarin at tanggapin.
Naging pabaya rin ako , naging makasarili!
Hindi ko man lamang naiisip na napapagod din siya sa kakasuyo sa akin.
Huli na ba talaga ang lahat?
May nahanap na ba siyang iba!?
Pinagpalit niya nga ba ako?
Kaya ba hindi na siya nagpapakita sa akin dahil nahuhumaling na siya sa iba.
Natiis niya akong hindi makita.
Noon para siyang nababaliw kapag hindi ako makita at hindi malaman kong nasaan ako.
Pero ngayon kahit anino niya ay wala.

BINABASA MO ANG
YOU BELONG TO ME
Casuale"Run! Run as you can! Pero kahit anong takbo mo ! sa akin ka parin mababagsak, akin ka lang! Walang pweding magmamay-ari sayo kundi ako lang! YOU BELONG TO ME!! Remember that." ----Russel Jhon Miller