CHAPTER 10

975 20 1
                                    


"DAISY! SAGUTIN MO AKO! BAKIT KASAMA MO NA NAMAN ANG LALAKING IYON!"

Pagod ko siyang tinigan.

Nag-eskandalo siya sa labas ng paaralan.

Pinilit niya akong pinalabas sa sasakyan ni Jerome.

"DAMN IT DAISY! IKAKASAL KA NA SA AKIN SUMASAMA KA PA SA LALAKING IYON!!--

"SHUT UP RUSSEL!! WALA KANG PANG KARAPATAN SA AKIN HINDI PA KITA ASAWA!!!"

Nag-igting ang pangga nito.

Napadaing ako ng hinawakan niya ako ng mahigpit.

"SIGE! SAKTAN MO AKO! GANYAN KA NAMAN , PALAGI MO AKONG SINASAKTAN! SARILI MO LANG ANG INIISIP MO!!"

Gumuhit ang sakit sa mga mata nito pero mas nangingibabaw ang galit ko sa kanya.

"WAG NA WAG MO NA AKONG PANGUNAHAN ! BUHAY KO ----"

"Anak anong nangyari?"

Winaksi ko ang pagkakahawak niya sa akin , tumakbo ako papasok sa kwarto ko.

Narinig ko ang kalampag ng pinto ko.

"BUKSAN MO ITO DAISY!!"

"Hijo, Ano ba ang nangyari!? narinig kong salita ni nanay na nanggaling sa labas.

Napahagulgol ako.

"Anak, buksan mo ito"

Inayos ko ang sarili ko bago ko ito pinagbuksan sa tingin ko ay wala na ito.

Niyakap ako nito ng mabuksan ito.

Tumulo ang mga luha ko.

"Nay" nabasag ang boses ko.

Hinayaan niya akong lumuha.

"Anak, kung ano man ang problema ninyo, pag-usapan ninyo para maunawaan ninyo ito."

Hinaplos nito ang pisnge ko.

Nangingibabaw ang galit sa puso ko pero pilit kong inunawa ito pero napakahirap.

----

Mahina kong binuksan ang Library, pinatawag ako ni Tito Eduardo.

Nakita ko siyang nakatalikod.

"Ano po ang pag-uusapan natin Tito."

Lumingon ito at nakita ko ang lungkot sa mukha nito.

"Hija, magpakalayo layo ka na."

Naguguluhan ko siyang tiningnan.

"Alam ko na ang ginagawa ng anak ko sayo, patawarin mo ako Hija, hindi ko alam, hindi ko alam na ganoon na ka obssessed ang anak ko sayo."

Tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Akala ko galit lang siya sa akin kaya hindi siya pumayag na ampunin kita, hindi ko alam na baliw na baliw pala siya sayo,Hija patawarin mo ako."

"Tito, wala po kayong kasalanan."

May inabot ito sa akin.

"Hija, magpakalayo ka, ako na ang bahala sa anak ko."

Nakatulala ako habang pinagmasdan ito.

Maraming pumasok sa isip ko.

Iiwan ko ba siya?

"Dad!"

Napalingon ako sa kanya, malaki ang hakbang niya at kinuha ang nasa kamay ko.

"ANO TO DAD! ILALAYO MO SA AKIN SI DAISY---

YOU BELONG TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon