"Salamat , salamat o panginoon ikay bukas palad sa habang panahon , bukal ng biyaya walang sawang pagpapala."
Napangiti ako habang sinusulyapan siya ng matapos ang huling awit sa misa.
Nagsilapitan ang kasama ko at estudyante sa pari at nagmano.
Kasali kasi ako sa Glee Club, bawat buwan ay magdadaraos ang aming paaralan ng misa.
"Good job!" Pagpuri ng guro namin.
"Magmano na tayo" wika ni Vina , kaklase ko at kasama ko sa Glee.
Lumapit kami at nagmano , nakita ko siya at pumalit sa akin upang magmano.
"Daisy, kakain ka na ba??" Narinig kong wika sa likuran ko.
Nahinto ko ang paglakad.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng sbinanggit niya ang pangalan ko.
Ngumiti ako at tumango.
"Halika , sumabay ka na sa amin." Hinila niya ako at nakita ko ang kaibigan niya na naghihintay sa kanya sa hall way. Nginitian ako nila nang makita ako, senior ko siya, nasa Grade 8 palamang ako.
Nakita kong napakamot siya sa ulo niya. "Ayos lang ba sayo na kasama ko ang kaibigan ko?"
Nagulat ako sa tanong niya.
Tumango ako agad.
"Ayos lang." Nahihiya kong wika.
Ginulo niya ang ulo ko at hinila ako.
"Bakit ba ang tahimik mo?"
Napalingon ako sa kanya ng maitanong niya ito sa akin. Siya si Jerome, kababata ko , mas matanda siya sa akin ng tatlong taon, hinahanggaan ko siya, sa galing ng kanyang pag-awit sa husay niya sa paggitara ay nahulog ang bata kong puso sa kanya, akala ko noong una crush lang ito pero ng lumaon ay naging pag-ibig.
"Ayos ka lang ba??" Napabalik ako sa pag-iisip ko ng hinawakan niya ang noo ko.
"Hindi ka naman mainit." Habang hinawakan niya ang noo niya pagkatapos niyang hawakan ito.
"May problema ka ba??" Pag-alalang wika niya.
"Ayos lang ako , may iniisip lang" wika ko ng hahawakan na naman niya ako sa noo at lumayo sa kanya.
Hindi sa ayaw kong hawakan niya ako kundi baka marinig niya ang sigaw ng puso ko.
"Pare! Narito si Crisilda!"
Napalingon ako kay Bryan ng niyogyog niya sa balikat si Jerome.
Nakita ko ang pamumula sa mukha ni Jerome , sinundan ko ang kanyang tingin, si crisilda ay campus queen sa paaralan namin dahil sa taglay nitong ganda, sexy , mayaman at matalino, parang nangliit ako sa sarili ko.
Tumayo ako at napagdesesyonang bumalik na sa room.
Bago ko linisan ang lugar na iyon ay sinulyapan ko si Jerome na hindi man lang napansin ang pag-alis ko.
Mas lalong nadurog ang bata kong puso.
---
Napahinto ako sa paglalakad ng makita ang mga tao na nagkukumpulan sa harap ng bahay namin.
"Anong ginagawa ninyo!!!" Diin kong wika.
Nilingon ako nila at nakita ko ang mangha sa kanilang mukha.
"Daisy! Sino ba yang bisita ninyo! Napakayaman!"
Napasulyap ako sa gilid at may napansing magarang sasakyan.

BINABASA MO ANG
YOU BELONG TO ME
Acak"Run! Run as you can! Pero kahit anong takbo mo ! sa akin ka parin mababagsak, akin ka lang! Walang pweding magmamay-ari sayo kundi ako lang! YOU BELONG TO ME!! Remember that." ----Russel Jhon Miller