Huminto ako sa pagpasok sa kanilang bahay.
"Anak , pasok ka na" wika ni nanay ng mapansing hindi ako sumunod sa pagpasok.
Kinabahan ako.
Para bang may sumisigaw sa akin na kapag inapak ko ang paa ko sa loob ay hindi na ako makakaalis pa.
Apat na araw na simula ng kasal nila, naninibago pa ako sa takbo ng buhay namin.
Kapag inapak ko ang paa ko dito magsisimula na ang bagong buhay ko.
Maraming buntong hiningga ang nagawa ko bago ako pumasok.
Nang makapasok ako.
Napalunok ako sa taong nakatingin sa akin.
Sino siya?
Siya ba 'yong anak ni Tito Eduardo na nakwento ni nanay sa akin.
He is Russel Jhon Miller ,Nasa 19 anyos na ito , 1st year college , engeener, matangkad ito nasa 5'8 at gwapo, pero makikita sa mukha rito ang pagiging istrikto.
Nakita ko ang galit sa mukha nito pero hindi ako nagpatinag at ginantihan siya ng matatalim na tingin.
Akala niya siya lang ang galit!!!
Hindi ko makakalimutang hindi siya dumalo sa kasal ng ama niya!!!
Kahit na ayaw niya dapat ay binigyan niya ng respito ito at dumalo.
Napalunok ako ng makita siyang papalapit sa akin.
"Son! Masaya ako at bumaba ka na"
Napabuga ako ng hangin ng makita si Tito sa may likuran nito.
Lumapit si Tito Eduardo sa akin.
"Hija, siya si Kuya Jhon mo." Binalingan nito ang kanyang anak na masama parin ang tingin sa akin.
"Hijo, siya naman si Daisy---"I know dad!!" Wika nito at tinalikuran kami.
Napalaki ang mata ko ng di man lang nito pinatapos ang pagsasalita ng kanyang ama.
Tama nga ako at masama ang ugali nito.
Inirapan ko siya kahit na nakatalikod na siya.
Hinatid ako ni Tito sa aking kwarto.
Namangha ako ng makita ang loob.
Masasabi kong mas malaki pa ito kaysa sa bahay namin.
Napakayaman nila.
Napahaplos ako sa malaking kama, napakalambot, tumalon ako dito dahil sa tuwa at humiga ng napagod ako.
Napaayos ako ng upo ng makita ang ina ko na pumasok.
"Anak nagustuhan mo ba dito?" Habang nilapitan niya at tumabi sa akin.
"Anak, na ayos na pala namin ang papeles mo sa lilipatan mong paaralan."
Napatango ako ng mahina. Nakaramdam ako ng lungkot dahil lilipat ako ng paaralan, napag-usapan na namin ito bago ang kasal nila , naunawaan ko ito dahil malayo-layo rin dito kung mananatili akong mag-aral doon , isa rin naman sa paghihinayan ko ay ang scholarship ko doon, napakahirap kayang makapasok doon upang maging libre ang pag-aaral mo, ilang araw ko rin yong pinaghandaan upang makapasa ako.
Naramdaman ko ang halik nito sa ulo ko.
"Pasensya ka na anak".
Ngumiti ako."ayos lang po iyon nay, kahit nasaan ka nay basta naroon ka masaya po ako."

BINABASA MO ANG
YOU BELONG TO ME
Acak"Run! Run as you can! Pero kahit anong takbo mo ! sa akin ka parin mababagsak, akin ka lang! Walang pweding magmamay-ari sayo kundi ako lang! YOU BELONG TO ME!! Remember that." ----Russel Jhon Miller