CHAPTER 7

1K 18 2
                                    

"Magtext ka sa akin at huwag ka ng pumayag na sa labas kayo mag-insayo!"

Marami pa siyang pangaral na sinabi bago siya umalis sa harap ko.

Hindi na siya masyadong nanatili sa paaralan dahil nagsimula na itong mag OJT.

Mahigit dalawang buwan narin pero kahit na ganon ay hindi siya pumapalya na hihatid sundo ako.

Gusto niyang palaging magsabay kami ng mananghalian pero palagi ko siyang tinatanggihan.

Magkasama na nga kami sa iisang bubung pati ba naman sa paarakan o sa lahat ng bagay.

Palagi siyang nakabuntot sa akin, nakakaramdam ako ng inis sa kanya at pagkakasakal dahil dito.

Naging mahina ang paglakad ko ng makita siya.

Masama niya akong tinigan.

"3pm , magkita tayo sa parking lot."

Gusto ko sanang tumutol pero nakaalis na siya.

Nag-iba na talaga siya hindi na siya ang dating Jerome na kilala ko, Yong masayahin, yong magpaalala, yong makulit, yong ngiti niyang binubungad sa akin pagnakita ako kahit sa malayo pa.

Hindi ko namalan ang oras ng makitang malapit ng mag3pm. Naging abala kami dahil narin sa mga activity nabinigay sa amin ng Professor namin, iniwanan lang kami ng mga activity dahil may Meeting sila.

Napatakbo ako paputang parking lot.

Napahawak ako sa tuhod ko ng makarating ako doon dahil sa pagod.

Mahina akong lumapit sa kanya ng makita siya sa gilid ng sakyanan niya.

"Im sorry" mahina kong wika ng makalapit sa kanya, nakaramdam ako ng hiya dahil natagalan ako.

Hindi niya ako kinibo at pumasok siya sa sasakyan niya.

Sumunod naman akong pumasok siya.

Dinala ako ulit sa nature park.

May dala siya gitara.

Napapikit ako habang sinimalan niya ng kantahin ito.

Let the love begin
Let the light come shining in
Who knows where the road will lead us now
Look at what we've found
Make this moment turn our hearts around
It may never come again----

Napamulat ko ang mata ko ng hininto niya ang pagkanta dahil may tumawag dito..

Napasulyap ako sa cellphone niya .

"Yeah, susunduin kita."

Tumayo ako at tumalikod.

Nakaramdam ako ng galit.

"Bumalik na tayo."

Napalingon ako sa kanya.

"Bakit! Bakit Jerome! Bakit hindi ka tumupad sa pangako mo sa akin!!" Hindi ko mapigilang sumbatan ito, hindi ko na kayang kamkamin ito sa dibdib ko.

Nakita ko ang galit sa mga mata niya.

"AKO PA! AKO PA ANG HINDI TUMUPAD ! DAISY! IKAW ANG HINDI TUMUPAD!!"

Naguguluhan ako sa sinabi nito pero nangingibabaw ang galit sa puso ko.

"AKO!! NAKITA MO BANG MAY LALAKI AKO JEROME!! PAANO MO RIN MALALAMAN ITO HINDI MO NGA AKO KINUNTAK! HALOS LIMANG TAON RIN YON JEROME!! LIMANG TAON AKONG UMAASA NA MAGREPLY KA! KAHIT ISANG BESES LANG!! PERO WALA! TAPOS NGAYON MAGPAPAKITA KA SA AKIN NA GALIT AT MAY IBA! HININTAY KITA! HINDI AKO NAGTANIM  NG GALIT SAYO DAHIL INIISIP KONG MAGKIKITA TAYO ---magkikita tayo ulit at magpaliwanag ka kung bakit hindi mo ako kinuntak!!"

YOU BELONG TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon