Para akong nanaginip habang pinagmamasdan siyang mahimbing na natutulog sa tabi ko.
Hindi parin maabsorb ng utak ko na asawa ko na siya.
Mas lalo na rin na lumabas sa bibig dito na mahal niya rin ako.
Gusto ko itong marinig ulit.
Gusto kong gisingin siya at hinggin na sampalin niya ako para gumising ako at malaman kong hindi talaga ito panaginip.
Para akong lumulutang sa nararamdaman ko.
Naghahalo ang emosyon na nararamdaman ko.
Gulat.
Pagkamangha
Pagkasabik.
Saya
At
Takot
Takot dahil natatakot akong sabihin niyang hihiwalayan niya ako.
Natatakot ako na ginawa niya ito dahil sa paghihigante sa mga nagawa ko sa kanya.
Tumulo ang luha ko.
Hinaplos ko ang mukha niya.
Hindi ko kaya.
Hindi ko kayang iwan niya ako.
Kung iiwan niya ako hindi ko na alam kung kaya ko pa bang mabuhay.
Nang lumayo ako noon para akong nabaliw.
Halos hindi ako makatulog.
Halos minuto naiisip ko siya,
Nakakalimutan ko ng maligo,
Nakakalimutan ko ng kumain,
Gusto ko lang manatili sa kadiliman.
Nagising ako sa pagkakalugmok ng tinawagan ako ng wedding planer na ayos na ang lahat, handa na ang lahat.
Pinilit kong bumangon at magpakatatag upang harapin ang lahat.
"Russel"
Bumalik ako sa kasulukuyan.
Hindi nga ako nanaginip narito siya sa harap ko.
Napapikit ako ng haplusin niya ang mukha ko at pinahid ang luhang dumadaloy sa pisnge ko.
Mas lalong tumulo ang luha ko dahil sa wakas pinahid na niya ang luha ko na palagi niyang binabalewala.
Ang mata niyang may pag-alala.
Matagal ko na itong pinapangarap na gawin niya ito sa akin.
'Yong hindi niya ako iiwasan.
'Yong iniisip din niya ang nararamdaman ko.
"Patawarin mo ako Russel"
Minulat ko ang mata ko.
'Yong mga mata niyang puno ng pagmamahal habang tinitingnan ako.
Ang tagal ko itong hinintay.
"Patawarin mo ako kong hindi ko man pinaramdam sayo ang totoong kong nararamdaman sayo."
Hinaplos ko ang pisnge niya at pinahid ang luhang tumulo dito.
"Napuno lang ng galit ang puso ko kaya hindi ko magawang ipakita ito sayo, pinigilan ko ito ---
Nakaramdam ako ng sakit, alam kong kasalanan ko rin ito.
"Pinigilan ko ito at nagbubulagbulagan pero akala ko makakaya kong mawala ka pero nagkamali ako---"

BINABASA MO ANG
YOU BELONG TO ME
Random"Run! Run as you can! Pero kahit anong takbo mo ! sa akin ka parin mababagsak, akin ka lang! Walang pweding magmamay-ari sayo kundi ako lang! YOU BELONG TO ME!! Remember that." ----Russel Jhon Miller