Bumuhos ang malakas na ulan tila nagsisipatya sa pagdadalamhati ko."Mommy" hinaplos ko ang puntod nito.
"Sir, hinihintay na po kayo ng Daddy niyo sa sasakyan"
"Mommy tutuparin ko po ang bilin ninyo , magmamahal ako ng totoo at tapat."
Naging mahirap sa akin na wala na ang ina ko pero alam kong mas nahihirapan ang ama ko, naging mahina ito, halos dalawang taon itong nagluksa at muntik ng bumagsak ang kompanya namin mabuti nalang at nakabangon ito at bumalik ang sigla.
Lumipas ang isang taon ay naging tahimik ito.
Hindi ako umalis sa tabi niya hanggang nalaman kong umibig ulit ang ama ko.
Nagalit ako pero naunawaan ko ito.
Hindi ko alam kong bakit kaya binigo siya ng babaing ito!
Nakaramdam ako ng galit para sa ama ko.
Hinanap ko ang babaing iyon.
Pero iba ang nakita ko.
May isang babaing nakaupo sa labas ng bahay nito.
Kumakanta ito.
Napakaganda ng boses nito katulad ng mukha nito, napakaamo.
Hindi ko na namalayan palagi ko na itong sinusundan , hindi ko mapigilang mapahiyaw sa tuwing siya ang kakanta, saksi ako ang saya niya sa tuwing nanalo siya at kahit na 2nd place o 3rd place ay hindi ko ito nakitaan ng lungkot, kumikinang ang mata nito kapag ngumingiti, para kang hinihigop nito kahit hindi ka nito tinitingnan.
Nanginginig ang kamay ko ng makita silang magkasalo ng ama ko .
Hindi sila pwede ng babaing iyon!!
Paano ako!
Paano ang pagmamahal ko sa batang iyon!!
Marami na akong plano!
Plano sa kinabukasan namin.
"Anak, may sasabihin ako sayo , sana maintindihan mo ako---
"DAD! HINDI AKO PAPAYAG NA PAPALITAN MO SI MOMMY!!"
Nasigaw ko ito.
Nagkasagutan kami pero kalaunan ay napapayag ako pero sa kondisyong hindi nila aampunin ang anak nito.
Hiniling ko rin dito na Civil wedding lang sila.
Mahal ko ang ina ko, ang ina ko lang dapat ang hinaharap sa simbahan ng ama ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng makapasok siya sa bahay namin, pero naalala ko na sweet sila ng kababata nito, parang sasabog ang puso ko ng makita silang masaya.
Kaya galit ko siyang tiningnan.
Ayaw na ayaw kong makikita siyang may kausap na lalaki o makalapit dito.
Parang gusto kong pumatay ng makita ang lalaking iyon sa pamamahay ko.
Napakalagkit din ang mga tingin nito.
Pinigilan ko ang sarili ko.
Pero hindi ko napigilang sirain ang cellphone nito at pagbawalan siya.
May nabuo sa utak ko, kung ayaw ko siyang mapunta sa iba dapat may gawin ako, lumapit ako sa IT Expert at sinabi ko dito ang gusto kong mangyari, hinanap ko ang simcard nitong tinapun ko, muntik kong matapon ito ng mabasa ang mga text nila.
Akin lang siya!!
Walang pwedeng magmamay-ari sa kanya kundi ako lang! Ako lang.
Akala ko , nagtagumpay ako pero hindi ko pala alam na nahulog ito dito at may pangako pa silang dalawa!!
BINABASA MO ANG
YOU BELONG TO ME
Random"Run! Run as you can! Pero kahit anong takbo mo ! sa akin ka parin mababagsak, akin ka lang! Walang pweding magmamay-ari sayo kundi ako lang! YOU BELONG TO ME!! Remember that." ----Russel Jhon Miller