CHAPTER 3

1.2K 25 2
                                    

Simula ng araw na iyon ay napansin kong iniiwasan niya ako, nakaramdam naman ako ng ginhawa dahil sa ginawa niya.

Nakauwi narin si inay at tito.
Hindi lang palaging namamalagi si inay dahil may pinag-aabalahan ito, binilhan kasi ni Tito ito ng coffee shop, minsan tinutulungan ko siya pagweekends.

Tito parin ang tawag ko sa kanya kahit na kasal na sila ng ina ko hindi ko magawang tumawag na papa rito dahil hindi panaman ako inampon nito, sa totoo ayos lang ito sa akin pero minsan gusto kong itanong kung bakit hindi niya ito hiningi kay nanay na maging anak ako siguro ay hindi niya ako gusto pero hindi ko rin masabi dahil nakikita ko naman sa kanya ang pagmamahal bilang tunay na ama.

Nagsimula narin akong pumasok sa paaralan.

Sa umpisa ang nahirapan ako pero kalaunan ay nasanay na ako at nagkaroon ng bagong kaibigan.

"Ayos lang ba talaga na dito tayo gagawa ng ating projects?" Wika ni Gina sa akin habang papasok kami sa loob ng bahay.

May kasama akong dalawang babae at dalawang lalaki.

Dinala ko sila sa my pool area dahil maaliwalas doon.

Gagawa kami ng music video para sa Mapeh  subjects namin.

Si Gina, Lora ,Robert ,Marco ang kasama ko.

Nalundag kami sa tuwa ng makitang maayos ang una naming gawa pero inulit namin iyon hanggang sa makuntento kami sa resulta.

"Daisy, pwede ba kaming maligo dito." Wika ni Marco habang matamis akong nginitin upang pumayag ako, hindi 0naman kami malapit pero ng dahil madalas kaming maging kagrupo ay ganyan na siya sa akin umasta na para bang magkaibigan na kami.

Ngumiti ako. "May damit ka bang dala?" Pag-uuyam ko sa kanya.

"Maliligo rin ako!!" Wika nila.

Napakamot ako sa ulo dahil hindi ako makatanggi.

Napalingon ako sa bahay at napasulyap sa selpon ko, 4pm pa naman, mga 5 o 6 ito minsan uuwi.

Tumango ako. "Bilisan niyo lang huh!"

Napahiyaw sila sa sinabi ko.

Agad silang nagtakbuhan habang hindi nila tinatanggal ang damit.

Napatawa ako sa inasta nila dahil kong makaasta sila parang wala sa kanila, lahat sila ay mayayaman actually halos rin sa paaralang nilapitan ko ay mayayaman at kilala sa larangan ng negosyo ang magulang nito o iba pang antas ng pamumuhay.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumalon.

Nagtatawanan kami at naghahabulan.

"DAAISSSY!!!" nahinto ko ang pagsaboy ng tubig sa kanila ng marinig ko ang boses niya para bang nag echo ito dahil sa lakas.

Nakita kong nagulat sila at napahinto rin sa ginawa.

Agad akong lumapit sa gilid ng pool pero muntik akong mapatili ng inangat niya ako.

"Magbihis na kayo at umalis!!!" Galit nitong wika.

Hinigit niya ako papasok pero Wala akong magawa dahil alam ko kung paano siya magalit.

Tiningnan ko sila bilang paghingi ng paumanhin.

Tinulak niya ako sa loob ng kwarto ko at sinabihan magbihis..

Mahina akong lumabas sa kwarto ko nang matapos ako.

Nakita ko siya sa labas na naghihintay.

Hindi ko siya tiningnan at pinatiling nakatingin sa sahig..

YOU BELONG TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon