Taming 3

6.5K 226 17
                                        


Blade

***

Mabilis na nasalo ko si Madison at agad na tinapik ang pisngi niya. " Fuck. Madison! " ilang beses ko siyang tinapik pero wala parin siyang response.

Hinawakan ko siya sa pulso at medyo nakahinga ng maluwag ng makitang may pulso siya pero mahina ito.

" We should bring her to Enchanted. " mabilis kung anas at agad na nagcast ng portal.

" Blade you don't do portals! " angal ni Brianna.

Binuhat ko si Madison at walang pagdadalawang isip na pumasok sa portal. Nang makarating ako sa loob ay agad na tinawag ko sina Tito.

" Tito, Tita help! " I shouted at the top of my lungs.

Mabilis nakarating sila sa harapan ko at kumunot ang noo ng makita ang kalagayan ng anak nila. " What happened? " kunot-noong tanong ni Tito.

" After she brought the dragon to her own world. She fainted but before that a crazy witch warned us. In order to bring the egg back to the dragon sinabi ng mangkukulam na may buhay daw na manganganib. At I know na isa yun sa dalawang prinsesa. " agad kong paliwanag habang pinapatawag na ang doktor.

" Paparating na sina Mama. " usal ni Tita.

Mabilis na linipat namin si Madison sa room niya.

Kasabay ng pagdating ng doktor ay ang pagdating ng dating reyna. Mabilis na yumuko kami. " Mom! " agad na dinaluhan ng doktor si Madison habang ako naman ay nasa gilid lang.

Nang sulyapan ako ng dating reyna ay napayuko ako.

" Nalason po ang prinsesa mahal na hari at reyna. Sa isang bagay na huli niyang nahawakan o kinuha man lang. At ang lason pong ito ay hindi pa nagagawan ng lunas. " saad ng doktor. Napatingala ako sa sinabi nito.

" May isang prinsesa ang manganganib ang buhay. Hindi makakahanap ng lunas at sa oras na iyon wala ni isa ang magtatagumpay. "


Napahinto ako sa narinig kung sinaad ng dating reyna. Tumitig siya saakin. " Yan ang sinabi ng mangkukulam tama? "

Tumango ako. " Kung ganoon walang makakaligtas kay Romee kungdi ang sarili lang niya. Kung sa ibang prinsesa ito nangyari hindi aabot ng limang minuto mamamatay na ito. " nginitian niya ang kanyang anak.

" Mabuti nalang at malakas ang apo ko. Huwag kayong mag alala Cree. Gigising din ang apo ko at babalik rin siya sa dati. "

Napayuko ako ng makitang aalis na ang reyna. " Ashton Blade Icia. "

Nanigas ako ng malamig nitong banggitin ang buong pangalan ko. " Alam ko ang emosyon na kinikimkim mo. Nagpapasalamat ako sayo dahil nagawa mo paring idala rito ang apo ko. "

Yumukod ako " Para sa prinsesa mahal na reyna. "

Nang makalabas ako ay agad na napabaling ako kay Madison. Walang kulay ang mukha niya hanggang sa nag-iba ng kulay ang buhok niya. Naging itim.

" Anong nangyayari? " gulat na tanong ni Tita dahil mas lalong nawalan ng buhay ang katawan ni Madison.

" Kinukuha nito ang lakas niya. Don't worry hon. Our daughter is a fighter. She won't give up. " pagpapagaan ni Tito kay Tita.

Taming the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon