Sumakay na naman kami ng tricycle patungo sa bahay nina Sam. Ilang minuto pa ay natanaw ko na ang bahay nila. Maganda. Kahit hindi kalakihan.
“ Halika na Mad. Excited na akong ipakilala ka sa mga magulang ko. ” agad na hinila niya ako at wala sa sariling napatingin ako sa wrist watch ko.
Alas 6 na ng umaga. Napahinto sa pagwawalis ng bakuran nila ang batang babae ng makita kami.
“ Mama, Papa. Andito na si Ate. ” sigaw nito at nagtatakbo patungo sa ate niya at mabilis na yumakap.
“ Hi Jem. Kumusta ka? ” nakangiting tanong ni Sam sa nakababatang kapatid niya.
Malapad na tumango ang bata. “ Okay lang ate. Sino po ‘yang kasama mo? ” tanong nito at binalingan ako ng tingin.
Hinila ni Sam ang kapatid niya. “ Mamaya na. Alam kong excited kang makilala siya. ”
Sumunod ako sakanila papasok ng bahay at doon ko nakitang abala sa pagluluto ang mga magulang ni Sam.
“ Ma! Pa! ” sabay na lumingon sila hanggang sa tumuon ang tingin nila sakin.
Isa-isa nilang yinakap si Sam. “ Anak sino ‘yang kasama mo? ”
Napakamot sa ulo si Sam. “ Ah. Ma, Pa, bunso. Si Mad nga pala ng Enchanted Kingdom. ”
Tila hindi maproseso nito ang sinabi ni Sam at sabay na napaawang ang mga labi. “ Ano? ”
Tinanggal ko ang sombrero at ang sunglasses ko at pormal na nagpakilala. “ Romee Madison Forrester po ng Enchanted Kingdom. ”
Wala pang ilang segundo ay agad na lumuhod ang mga ito. “ Magandang umaga po prinsesa. ”
Tiningnan ko si Sam at mukhang nakuha niya naman ang ibig kung sabihin. “ Ma. Tumayo na kayo. Atsaka si Mad pala kaibigan ko sa Blue. ”
Napatingin ako kay Jem ng hawakan nito ang kamay ko. “ Prinsesa. Ikinagagalak ko po kayong makilala sa personal. ”
Kimi akong ngumiti at lumuhod para pumantay sakanya. “ I'm glad to meet you too Jem. ”
Parang napaso na napalayo ito saakin kaya kumunot ang noo ko. Kita kong bumulong siya kay Sam.
“ Ano raw ‘yung sinabi niya ate? Hindi ko maintindihan pwera lang sa Jem kasi palayaw ko 'yun. ”
Napangiti si Sam at ginulo ang buhok ni Jem. “ Sabi niya masaya rin daw siyang makilala ka. ”
Parang maamong tuta na nagtago si Jem kaya agad na tumayo na ako. Tumikhim ako. “ Ahm. I'm — andito po ako kasi gusto ko po sanang samahan si Sam umuwi rito sainyo at makilala rin kayo sa personal. ” saad ko.
“ Naku. Walang problema iyan Prinsesa. ” saad ng ama ni Sam.
I blinked. “ Kung pupwede sana po huwag niyo na po akong tawagin na Prinsesa. Pwede pong Madison nalang o Mad. ”
Napatango silang dalawa. “ Sige. Halika umupo ka muna. ”
Agad na umupo ako sa upuan at agad na tiningnan sila ng aligaga sa pag-aasikaso saakin.

BINABASA MO ANG
Taming the Princess
FantasíaBLUE SERIES #3 I am a Princess but never live in a fairytale. My eyes were wakened up by how cruel our world is. I'm different from others. Others only hold two elements but I am holding all of the elements and even the powerful one. I believed that...