Taming 33

3K 130 0
                                    


“ Ang baho. ” napatakip kami sa ilong ng makita ang patay na wild boar.

Napatingin ako kay Devean na tahimik lang pero may kung ano sa mga mata niya.

“ Can I separate? ” He suddenly asked.

“ If you want to. Just make sure to get yourself back in the entrance. ” mabilis na tumango siya sa sinabi ni Blade at umiba ng landas saamin.

I glanced at him before he leave my sight. “ I'm jealous. ” Blade whispered.

I looked at him at doon ko nakitang madilim na pala ang mukha niya.

“ Can I separate too? ” I asked him. Kumunot ang noo niya at umiling.

“ No. I want you beside me. ” he whispered.

Kami nalang ang naiwan dahil kanya-kanya ng lakad ang mga kasamahan namin. Pero hindi talaga ako mapakali.

“ Love. ” mahinang sambit ko kaya humigpit ang hawak niya sa baywang ko.

“ No. I don't want you to leave my side cause I'm afraid to lose you. ” he muttered.

Hindi ako nakapagsalita agad. Hindi na ako umimik hanggang sa lakad lang kami ng lakad. My hearing started to activate too kaya para tuloy akong kiti-kiti sa tabi ni Blade.

I closed my eyes while walking as I started to create my clone. Napahinto ako saglit atsaka ako nagteleport leaving my clone with him. I'm sorry but I really need to know something.

Lakad takbo ang ginagawa ko dahil sa ingay na naririnig. I knew they can't hear it but I heard it clearly. Napadaan ako sa maraming mga hayop na patay na at gutay-gutay ang mga lamang loob.

Ramdam ko na malapit na ako sa kinalalagyan niya. Ang hayop na gumagawa nito.

Napatigil ako ng makita ko ang likod nito. Nanlilisik ang mga matang tiningnan ako nito at kinumpas ang kamay dahilan para may batong papunta sa direksiyon ko.

Mabilis akong nakailag. Tiningnan ko siya. Puno ng dugo ang damit niya pati na ang mukha. Kinukuhanan niya ng dugo ang mga hayop at ginutay-gutay ang mga lamang loob.

“ Devean. ” I muttered ng mabilis niya akong inatake. I teleported at napunta na sa likod niya. Napalinga-linga siya.

There is something in his eyes. Tinaas ko ang kamay ko dahilan para mapaluhod siya.

“ Aaaahhh! ”

I slowly formed my hand into fist dahilan para mas lalo siyang mapasigaw sa sakit at napaubo ng dugo.

I looked coldly at him. “ What happened to you? I know you're the one who's doing all of this. ”

Hindi siya nagsalita dahil hingal na hingal siya. “ Fuck you! Fuck you! Hindi mo ako makukuha! ”

Humalakhak siya kaya napangisi ako at agad na sinuntok siya dahilan para mapahiga siya sa lupa.

Umaapoy na ang kamay ko at mahigpit na sinakal siya at tinitigan sa mata.

“ Fuucck! Tama na! Tama na! ”

“ Who are you? ” malamig kong tanong at mas lalo siyang napasigaw ng kumalat ang apoy sa katawan niya.

Binitawan ko siya ng nagliliyab na ang katawan niya kaya napasabunot siya ng buhok niya habang paulit-ulit na sumisigaw. May kakaiba sa boses niya. May halong boses ng isang nilalang.

He collapsed kasabay ng isang itim na usok ang lumabas mula sa mga mata niya. Akmang sasabay ito sa hangin ng mabilis ko isinara ang kamay ko dahilan para maging abo ito.

Taming the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon