Hinubad ko ang sombrero ko at wala sa oras na napayuko sila. “ Sorry prinsesa. Sorry po! ”
Malakas na halakhak ang narinig ko mula kay Sam. “ Karma! ”
“ Stand up. ” malamig kong saad.
Agad na nagsitayuan ang mga ito at tinitigan ako. “ I really hate who messed up my hair. ”
“ Patawarin niyo po ako kamahalan. ” nakayukong saad ng isa sa gilid.
“ I do give second choices for now. But once it'll happen again. You don't know what I am capable to do. ”
Nagsitanguan sila. Si Sam lang yata ang aliw na aliw eh.
“ Ate! Ate! May van na huminto sa harapan ng bahay. ” hingal na saad ni Jem.
“ Ano? Talaga? Tingnan natin! ” agad na sumunod ako kay Sam at totoo nga. Meron ngang van.
Kumunot ang noo ko ng makita kung sino ang lumabas. Slate. Storm. Brianna. Followed by Blade.
Para silang turista sa pananamit nila.
“ Mad. ” agad na yinakap ako nina Storm at Slate ng makita ako. I tapped their shoulders.
“ Naku. Swerte naman natin ngayong araw. ” hinarap ko ang mga magulang ni Sam.
Nakakahiya andito sila.
I bowed down my head. “ T-tita Lori. Tito Rafael. I want you to meet my cousins. Slate and Storm. ”
Nakangiting yumuko ang mag-asawa. “ Ma. Pa. Ako nga pala ang nag-imbita sakanila. Medyo nahuli lang. ”
“ Atsaka Ma. Pa. Si Princess Brianna po tsaka si Prince Blade. ”
Kita ko halos himatayin ang mama ni Sam ng makita si Blade.
“ Atsaka guys. Yung mga pinsan ko pala. ”
“ Teka lang! Ihahanda ko lang 'yung pagkain ha. Para makalis na tayo. ” saad ng mga magulang ni Sam. Nagsitanguan kami.
“ Sige po.. ”
“ So this is where you live Samantha. ” pangunguna ni Brianna.
I gritted my teeth at matalim siyang tiningnan. “ Brianna. Don't fucking start. ”
Tila natakot naman siya at umurong paatras.
“ Tara na guys! ”
Agad na nagsilabasan na kami at kinuha naman ni Storm ang bag ko kaya wala akong dala-dala ngayon.
“ Hihintayin nalang natin ang bus ng mayor. ”
“ No. We'll use the van. We have a driver. ” saad ni Slate.
Agad na pinwesto nila ang mga pagkain bago kami sumakay. Hiwalay kami ni Sam dahil andoon siya sa pamilya niya habang ako naman ay andito sa pinakalikuran kasama si Blade.
“ Malayo po ba ang beach tita? ” dinig kong tanong ng isa sa pinsan ni Sam.
“ Mahigit dalawang oras. Matulog muna kayo. ”
Napahikab ako. I'm sleepy. Hinila ako ni Blade sa hindi inaasahan kaya napasubsob ako sa dibdib niya. But somehow it makes me feel comfortable.
Yinakap ko nalang ang mga braso ko sa baywang niya at ipinikit ang mga mata. Kasi alam kung wala namang makakakita sa posisyon namin dahil madilim sa loob ng van.
Nagising ako sa mahinang haplos at doon ko napagtanto na nasa byahe pa pala kami at lahat sila kapwa tulog na pwera lang sa driver.
I lifted my head para matingnan ko ang mukha ni Blade. Nakapikit siya.

BINABASA MO ANG
Taming the Princess
FantasyBLUE SERIES #3 I am a Princess but never live in a fairytale. My eyes were wakened up by how cruel our world is. I'm different from others. Others only hold two elements but I am holding all of the elements and even the powerful one. I believed that...