Taming 14

4.1K 164 11
                                        

Medyo umayos na ang kalagayan ko at nagagalaw ko na ang kamay ko. At todo alalay naman saakin si Sam habang papasok kami ngayon sa first subject namin. Ang history na wala ng katapusan at paulit-ulit nalang.

Masaya na pumasok ang Prof namin at nagsimula na agad sa lecture niya. “ Okay class. Now I want you to tell me kung ano ang pinakaunexpected na nangyari sa buong buhay niyo. ”

“ Ikaw miss. Yung berde ang buhok. ” agad na napalingon ang kasama ko sa likuran.

“ Isang araw po naglalakad po ako tapos may nakita akong lalaki. Sinundan ko po siya hanggang sa mainis siya saakin. Naging magkaibigan kami and then boom! Kami na. ”

Napanganga ako sa sinabi niya. Walang kwenta.

“ Nonesense answer. Ikaw Miss Samantha. ”

Agad na tumayo si Sam. “ Five years old palang po ako ay aksidenteng napagalaw ko po ang bato at doon ko po napagtanto na kakaiba ako. Kaya sinanay ko ang sarili ko na may hawak na kapangyarihan upang hindi po ako maabala sa buhay ng iba. ”

Napatango-tango ang Prof namin. “ Magaling. Iyan ang gusto kong marinig mula sa bibig niyo. Hindi yung lovelife niyo. ”

Marami pang tinawag si Prof na halos ikinatuyo ng dugo niya kasi puro lovelife ang kinukwento nito kaya ako nalang ang tinawag nito.

“ Princess Madison.Tell us your most unexpected thing that happened in your life. ”

Tumayo ako blankong sumagot. “ It..It was dark. So dark that I could bearly see. Bloods are everywhere. Everymove I made, it suffocates me. And when that time came, I came out. From the unknown cave. Where I came from. Tears are streaming down to my cheeks as I cried. And with that I was born into this world. ”

Napanganga ang Prof ko sa sinagot ko miski ang mga kaklase ko.“ Yan ang pinaka unexpected na nangyari sa buhay mo? ” tila labas sa ilong na tanong ni Prof.

Tumango ako. “ Yes. Sino ba naman kasing mag-aakala na masisilang ka kaya napakaunexpected niyan. ”

Napilitang tumango ito. “ G-good. So let's change the topic. ”

Wala na akong nagawa hanggang sa magdismiss siya.

“ Mad. Pinapatawag ka ng Hm. ” biglang anas ni Sam. Tumango ako at agad na tinitigan siya.

“ Mag-iingat ka. ” habilin ko sakanya at tumango naman siya at ngumiti.

Naglakad ako patungo sa opisina ni Hm. Tingnan mo ‘tong matandang ‘to siya ang may kailangan pero ako ang pinapapunta. Tch.

Nang makapasok ako ay nakita kong andoon na naman ang warriors. Sinulyapan ko si Hm.

“ What? ”

Tumikhim siya. “ Due to your injury. The King and Queen wants you out of Blue Academy and you'll be home schooled again. ”

“ What?! ”

Mukhang hindi lang ako ang nagulat pati narin pala ang mga kasama ko. Nanatiling nakatitig lang si Hm saakin habang hinihintay ang sagot ko.

“ Kung aalis ako. Sino ang magbabantay kay Sam? Kayo? ” walang gana kong tanong.

Hm sighed. “ Princess. Samantha is not your responsibility. ”

Malamig ko siyang tiningnan. “ She's my responsibility and you can't do anything to stop me from caring about her Hm. If you want me to leave this school. I'll leave. But I am still keeping my eyes on her. ” sagot ko habang ang huling mga salita ay nakatitig kay Brianna.

Taming the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon