Pinangko ako ni Blade at agad na dinala si infirmary. Mabilis na inasikaso ako ng mga nurse ng makita nila kami.
Walang emosyon ang mukha ko pagkatapos akong gamutin. Habang si Blade naman ay nanatiling galit paring nakatingin saakin.
“ Tell me. ” pinal na saad niya.
Kumunot ang noo ko. “ Tell you what? ”
His jaw clenched. “ Inagaw mo ang nobyo niya? ”
Doon ako napangisi sa narinig. “ Come on Blade. Pati ba naman ikaw? Alam mong isang linggo akong nakaratay sa kwarto ko tapos nagawa ko pang agawin ang boyfriend niya? ”
Hindi siya nakapagsalita at agad na nag-iwas ng tingin. “ Anong gagawin mo roon sa babae? ” tanong ko kapagkuwan.
Ngumiti siya ng matamis. “ Papatayin. ” malamig niyang sagot.
I sighed. “ No. Let me handle her. ”
“ For what? Para saktan ka niya ulit?” madiing tanong niya.
Umiling ako. “ Just don't kill her Blade. She doesn't deserve it. Just let me handle her. ”
Wala siyang nagawa kungdi ang tumango. “ Fine. But I'll go with you. ”
Doon ako natigilan ng marinig ko ang sinabi niya. “ I think you should stop seeing me Blade. Alam mong may nararamdaman si Brianna sayo and ginagawa niya ang lahat para mapunta ang atensiyon mo sakanya. ”
Bumakas ang irita sa mukha niya. “ But she's nothing to me. ”
I closed my eyes for a second. “ Kahit na. Just stop seeing me.” agad na lumabas ako ng infirmary at iniwan siya sa loob.
Dumiritso ako sa punishment room ng Warriors. At doon ko narinig ang mga daing ng babae at ang pagtama na latigo.
Binuksan ko ang pintuan dahilan para mapahinto sila at nanlaki ang mga mata ng makita ako.
“ Are you now fine Mad? ” agarang tanong ni Storm at linapitan ako.
Tumango ako as I waved my hand. “ I'll handle her. ”
Agad na nagsitabihan sila kasabay ng pagkarinig ko ng iyak ng babae. Using my power pinatingala ko siya saakin.
“ Tell me. Sino ang nag-utos sayo? ” umiiling siya at nanatili paring matigas ang kanyang ulo.
Dahil hindi mataas ang pasensiya ko ay agad akong nagpalitaw ng clone niya kagaya ng kinalalagyan niya ngayon. At isang lalaking lihim niyang minamahal.
Kita ko na nanlaki ang mga mata niya. Linapitan ko ang clone ng lalaki at inikutan. Hinawakan ko ang mukha nito at inilapit ang mukha ko sa mukha nito.
“ No! No! Don't touch him. He's mine. ” napahinto ako ng marinig ko ang sinabi niya.
“ Really? He's yours? But he never knew you. How come he's yours? ”
Umiling-iling siya. “ Akin siya. ” sigaw niya.
I pouted a bit. “ Really? But can he love you? ”
“ Mahal niya ako. Mahal na mahal niya ako! ”
Ngumisi ako at hinaplos ang mukha niyang may dugo. I whispered into her ear. “ He doesn't love you. He will never be yours... But I can make him mine. ”
Agad na lumayo ako sakanya ng nagpupumigilas siya. Hinawakan ko ang clone ng lalaking mahal niya and without a minute ay nakahiga na ito sa sahig at duguan. Malakas na napasigaw siya at nagsimula na namang magwala.

BINABASA MO ANG
Taming the Princess
FantasíaBLUE SERIES #3 I am a Princess but never live in a fairytale. My eyes were wakened up by how cruel our world is. I'm different from others. Others only hold two elements but I am holding all of the elements and even the powerful one. I believed that...