Taming 36

3.1K 115 3
                                        


Gabi-gabi binabagabag ako sa huling sinabi ni Viviane. Isa lang naman ang kaibigang alam kong nagsumpa saakin eh. Brianna.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga. Wala sa sariling napatingin ako kay Blade na himbing na himbing ang tulog. Suot ang robe ay naglakad ako papasok sa library. Napatingin ako sa wall clock. Ala una na pala ng umaga.

Napatingin ako sa buwan. Half moon at wala sa sariling napatingin naman ako sa dibdib ko. Hindi na lumilitaw ang tattoo.

Tinanaw ko ang buong Encantasia gamit ang telescope at wala sa sariling napahinto ako sa kaharian ni Blade. Napalunok ako dahil nakita kong may babaeng nagtangkang saksakin ang mga magulang ni Blade.

Mabilis akong nakarating sa kaharian at agad na pinitik ang mga kamay dahilan para mawala sa landas namin ang mga magulang ni Blade.

Napatingin ako sa babae at napakurap-kurap ako ng makitang kamukha ko siya.

Ngumisi siya at kasabay nito ay ang pagkawala niya sa harapan ko. Bigla akong kinabahan. I know what she's up to.

Mabilis ulit akong nagteleport pabalik sa library ko at agad na naglakad pabalik sa kwarto ko at doon ko nadtanan si Blade na nakaupo na sa kama habang nakakunot ang noo.

Mabilis na tumayo siya at agad na yinakap ako ng makita niya akong nakatayo sa harapan.

" Love.. Where have you been? "

Napakurap-kurap ako at tila may bumara sa lalamunan ko.

" Sa library lang. " sagot ko sa mahinang boses.

Kumalas siya as he cupped my cheeks. " Don't lie to me. You weren't there. "

I sighed. " Lumabas ako saglit. Hindi kasi ako makatulog. "

He nodded pero alam kung hindi pa siya kampante sa naging sagot ko. Agad na inakay niya ako at pinahiga at pinaunan ako sa braso niya.

Otomatikong pumulupot ang braso ko sa baywang niya. " I love you. " he whispered.

Tiningala ko siya at agad na ngumiti ng kimi. " I love you too Ashton Blade. Always. Don't forget that okay? "

Nakangiting tumango siya. Kaya agad na ipinikit ko nalang din ang mga mata ko.

Nagising ako dahil parang hinahalukay ang tiyan ko. Mabilis akong tumayo at nagduwal sa sink. Pakiramdam ko lalabas ata ang mga bituka ko.

Nanghihinang napaupo ako sa sahig at ramdam ko naman ang paghagod-hagod ni Blade sa likod ko.

Napakapit ako sa T-shirt niya at mariing napapikit. " Are you okay love? "

Hindi ako sumagot. Tiningala ko siya. " Bring me to the bed please. "

Agad na binuhat niya ako at inilapag sa kama. He kisses my forehead. " I'll cook you some soup. Wait a second. "

Hindi na ako nakasagot dahil nawala na siya sa harapan ko. Bumalik siya dala-dala ang isang napakabahong soup.

Agad na napaiwas ako ng tingin dahil nasusuka na naman ako. " Love. Take that away from me. Just get me apple instead. "

Kumunot ang noo niya. " You need to eat this first. " giit niya.

Nanghihinang umiling ako. " Please, take that away. Give me an apple please. "

Wala na siyang nagawa kungdi ang sundin ang utos ko. Bumalik siya dala-dala ang napakapulang apple. Bigla akong natakam at agad na kinain iyun ng pagkabigay niya.

Someone knocked the door kaya kapwa kami natigilan. " I'll just go and check it. "

Napasandal ako sa headboard at ipinikit ng mariin ang mga mata. Nagmulat ako at wala sa sariling tumingin sa likod niya.

Taming the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon