Austin's POV
Inaayos ko ang paborito kong laruan na bigay ni mommy nung bata pa ako nang may narinig akong busina ng isang kotse. Agad akong bumaba kasi for sure si Daddy yun.
At hindi nga ako nagkamali.
"Dad" tawag ko sa kaniya.
Iba ang awra ngayon ni Dad. And maaga rin siyang natapos sa kanyang trabaho which is good kasi wala na rin siyang time para sa akin.
"Hey, Austin." Sabay yakap niya sa akin. At ang weird lang kasi iba yung mood niya. Actually, very rare lamang mangyari tong mga pagkakataon.
Pero nagulat ako ng isang babae ang inulawa sa may pintuan at may kasama pang anak na kasing edad ko lang ata. Ah, basta.
"Sino siya Dad?" Curious na tanong ko ng biglang nagyakap sila sa isa't-isa sa harap ko pa mismo.
"From now on, she will be your Mom and your brother." turo niya sa mag-ina.
What the heck? No. Hindi to maaari. Hindi ko sila matatanggap sa pamilyang ito. Iisa lang ang kikilalanin kung ina at kailanman ay wala akong kapatid.
Nagtama ang paningin namin ng bagong-kapatid-ko-daw at nakangiti siya sa akin. Tss. Ang lambot niya. Kaya't dahil sa inis ay tinignan ko siya ng masama.
Kung iniisip niya na matatanggap ko siya. Sila. Hell no.
Padabog akong umalis at nagtungo sa kwarto at iniwan sila sa baba. Dahil sa galit ko ay tinapon ko lahat ang mga gamit na makikita ko sa kwarto ko.
Gabi na nung bumaba ako upang kumain. And timing, nandun na ang perfect family na kumakain.
"Halika, sabayan mo na kami." Sabi ni dad sa akin na para bang nakalimutan niya ng mabilis si mommy at naghanap ng bago.
Umupo ako sa tabi niya, upang sabayan sila sa pagkain. Pero ang totoo niyan ay inis na inis ako.
"Hi. I'm Trish." Pagpapakilala ng bagong asawa ng daddy ko.
"And this is Kit, my son." Nakangiting sambit niya pa.
At dahil Hindi ako interasado ay di ko siya pinansin.
"Anong ang masasabi mo Austin?" Tanong ni dad sa akin para di man lang mapahiya ang bago niyang asawa.
"Tapos na akong kumain." Hindi ko pinansin ang tanong ni dad, at agad akong tumayo para umiwas sa mga ayokong pag-usapan.
"Austin." Tawag sa akin ni Dad pero dinedma ko siya. May sinabi pa si Trish Kay daddy pero hindi ko na narinig yun dahil tuluyan na akong lumabas ng bahay.
Nagtungo ako sa may garden sa likod ng bahay namin at naupo sa may seesaw. Memorable ang lugar na ito sakin kasi dito kami madalas maglaro ng mommy ko nung bata pa ako.
Palagi niya akong dinuduyan at minsan pa nga ay kinakantahan niya ako. Pero ngayon hanggang ala-ala na lang.
"Hi, Kuya Austin." Nabalik ako sa realidad ng isang di pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aking likuran. At ng tingnan ko ay si Kit, ang di ko kaano-ano na kapatid.
"Puwede ba, huwag na huwag mo akong matawag-tawag na kapatid dahil hindi kita kadugo. At kung maari lang ay umalis na kayo ng nanay mo." Dahil sa sobrang galit ko ay ibinuhos ko ang sama ng aking nararamdaman sa kaniya.
Natahimik siya sa mga sinabi ko. At dahil ayokong makita ang pagmumukha niya ay umalis ako at nagtungo sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
My Brother's Romance (BxB)
Teen FictionSi Austin David, ay kilalang playboy, aggressive, foul-mouth and hot-tempered. May marangyang buhay ngunit sabik pa rin sa pagmamahal at atensiyon ng kanyang daddy. Simula kasi nung namatay ang kanyang mommy ay naging workaholic na ito at naiiwan si...