Chapter 7

6 0 0
                                    

Austin's POV

Pagkagising ko wala na sa tabi ko si Kit. Saan kaya nanggaling yun? Pagkababa ko may nakita akong sulat sa mesa at may hotdog din atsaka itlog.

Pagkatapos maligo agad akong nagtungo sa school. Sakto at wala pa yung teacher namin at nakita ko naman sina Minerva, Fidel at Veronica na naghaharutan.  Napansin ko rin na wala pa si Kit. Nang mapansin nilang dumaan ako ay natahimik sila. Kaya't tiningnan ko sila ng masama.

"What?" Sambit ko sa kanilang tatlo.

"Nasaan si Kit?" Tanong ni Minerva sa akin.

"Iwan ko. Nauna siya sa akin eh." Bored kong sagot.

"Baka ano na ginawa mo sa kaniya." Birong sambit ni Fidel habang tinitrim niya yung buhok niya.

Imbes na pansinin si Fidel ay kinuha ko na lang yung phone at sinalpak yung headset ko at nagplay ng favorite kung music.

Sakto naman na iniluwa sa pintuan si Kit. Tss. Saan ba siya galing? Tiningnan niya at sabay ngiti pa.

May sinabi siya sa akin pero di ko yun narinig dahil naka headset ako. Kaya't kinuha ko ito.

"Anong sabi mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Kit"

Sasagot na sana siya ng may tumawag sa kanyang babae sa may pintuan. Agad naman niyang nilingon yung babae at nagtungo siya roon.

"May gustong magpabigay sayo ng lunch." Rinig ko dun sa babae at iniabot niya yung lunch box Kay Kit.

"Sino daw?" Pagtataka ni Kit.

"Secret daw eh." Mabilis na kumaripas ng takbo yung babae na taga kanilang section yata.

So may admirer na siya? Tss. Tumingin naman siya sakin pero nag-iwas ako ng tingin at ibinalik ko na ulit yung headset sa tenga ko.

Kit's POV

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin na kung sino yung nagbigay ng lunch sa akin.

"Sino nagbigay sayo ng free lunch?" Napagtanto ko na kasama ko pala si Austin.

Magkasabay kaming naglalakad ngayon ni Austin papuntang canteen.

"Hindi ko alam." Sagot ko sa kaniya ng magbalik ako sa huwisyo ko.

"Sa tingin ko wala ng point para kumain tayo sa canteen." Medyo irita niyang sambit.

"Bakit naman? Maganda nga yun kaysa maglakad pa ako papuntang canteen. At isa pa nakakapagod din noh." Biglang kuha ko ng potatoe chips sa bag ko na kasama don sa lunch box.

"Gusto mo?" Offer ko sa kaniya ng potato chips.

"Hindi ko gusto yan" Biglang tapon niya ng potatoes chips.

"Austin, ano bang problema?" Tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako pinakinggan dahil bigla na lang siya tumakbo at iniwan ako mag-isa.

My Brother's Romance (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon