Austin's POV
Mukhang tama ang sinabi sa akin ni Minerva. Dapat ay hindi ko tinatrato ng ganon si Kit. Kaya't sinusubukan kong tanggapin siya.
Kasalukuyang natutulog si Kit sa kwarto ko at dito ko siya pinatulog sa kama. Mahimbing ang tulog niya. Mukhang napagod sa pagluluto niya para sa akin.
Sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasan na ipagluto. Lahat kasi ng narito sa bahay ay busy. Kaya sa araw na ito ay nagpapasalamat ako kay Kit, kahit na masama yung pagtrato ko sa kanya ay di pa rin siya sumusuko.
"Thanks" bulong ko kay Kit na mahimbing ang tulog.
Natulog na rin ako dahil maaga pa yung pasok bukas.
Kit's POV
Pagkagising ko nakita ko si Austin sa tabi ko na tulog mantika. Gigisingin ko na sana siya pero baka magalit siya kaya agad na akong nagtungo sa banyo.
Pagkatapos ko sa banyo ay agad akong nagluto ng hotdog at itlog para sa almusal namin.
At dahil hindi pa din siya gising ay nag-iwan nalang ako ng sulat sa kaniya na nauna na ako papuntang school.
Pagpunta ko sa school ay di pa gaanong marami yung mga estudyante kong kaya't naisipan ko na mag'stay na muna sa may park malapit sa administration building ng school namin para gawin yung assignment ko.
Habang gumagawa ako ng assigntment ko ay biglang may tumunog na cellphone. Tiningnan ko yung bag ko kung cellphone ko yung tumutunog pero hindi naman.
Hinagilap ko kung saan nanggagaling ang tunog ng cellphone at nakita ko ito sa isang walang laman ng supot ng chichirya. Mukhang naiwan ata kaya pinindot ko yung button call para matigil na ang walang tigil na pag ring sa phone.
"Hello." Sagot ko.
"Hello. I'm the owner of this phone. Naiwan ko kasi to kanina. Nasaan ka ba ngayon?" Sabi naman ng isang boses ng lalaki sa kabilang linya.
"Narito ako sa park malapit sa may administration building." Sambit ko sa kanya.
"Pupunta ako diyan. Please wait me for a while." Sabi niya at pagkatapos ay pinatay niya yung phone.
After 2 minutes nagulat ako kung sino yung lalaking paparating. Walang iba kundi si John Lee Luna. Ang ultimate crush ng mga girls dito sa campus, especially si Minerva.
"Oh it's you. You have my thanks. Kung hindi dahil sayo baka di na naibalik yung phone ko." Sabi niya na hinihingal pa dahil sa katatakbo.
"It's okay. Nevermind." Sagot ko sabay abot ng phone niya.
"Would you mind dining with me? Atsaka pasasalamat ko na rin sayo dahil ikaw yung nakakita ng phone ko." Malapad na ngiting sambit niya.
"I'm sorry, pero may ime'meet kasi akong kaibigan ngayon." Pagtanggi ko sa inaalok niya sa akin.
"Saglit lang naman. At huwag kang mag-alala dahil ihahatid din kita dito. Promise." Pagpipilit niya sa akin.
"Okay." Sagot ko na lang sa kanya.
"Hintayin mo ako dito. May kukunin lang ako. Okay?"
Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. Nang dumating siya ay dala niya yung pulang sasakyan niya.
Pinarada niya yung red car niya sa isang restaurants na di kalayuan sa school namin. Medyo nahihiya pa ako dahil pinagbuksan niya ako ng sasakyan.
Siya yung nag order ng food at ng biglang nagwala yung tiyan ko dahil spicy salad yung kinuha niya. And it's really my favorite.
"John Lee, paano mo nalaman na paborito ko yung spicy salad?" Hiyang tanong ko sa kaniya.
"Lahat ng tungkol sayo Kit, alam ko." Nabigla ako sa sinabi niya kaya't kumain muna ako ng favorite spicy salad ko.
And wait alam niya din yung pangalan ko? How?
"May gusto ka bang kainin? Mukhang di pa kasi nagagalaw yung pagkain mo." Pag-iiba ko sa usapan.
"No it's okay. Sapat na sa akin na makita kitang kumakain sa harapan ko." Weird niyang sabi.
Napalunok ako ng malaki sa kinakain ko nang mabigla na naman ako sa mga sinasabi ni John Lee sa akin.
"Ahmm. Mukhang hinihintay na ako ng kaibigan ko." Pagdadahilan ko sa kaniya para makaalis na din sa pagiging weird niya sa akin.
"Ay oo nga pala. Sorry." Sabi niya sabay kamot sa likod ng ulo niya.
Tumayo na siya at binayaran yung inorder niya. Hinatid niya rin ako sa may park kung nasaan ako kanina.
"Mukhang wala na yung kaibigan mo. Nainip ata." Sambit niya ng mapansin niyang wala yung kaibigan ko.
"Baka nga." Pagsisinungaling ko sa kanya.
Actually, wala naman talaga akong ime'meet, ayoko lang talaga na makasama yung sikat na band vocalist sa campus namin.
"Anyways. Thank you. It was nice meeting you." Inabot niya yung isang kamay niya para makipag shake hands sa akin.
Tinanggap ko naman ito. At pagkatapos ay umalis na siya na may ngiti sa mga labi habang ako naman ay naiwan na nagtataka pa rin.
------------------------------------------------------
Don't forget to vote, comments and follow. Thank you.
BINABASA MO ANG
My Brother's Romance (BxB)
JugendliteraturSi Austin David, ay kilalang playboy, aggressive, foul-mouth and hot-tempered. May marangyang buhay ngunit sabik pa rin sa pagmamahal at atensiyon ng kanyang daddy. Simula kasi nung namatay ang kanyang mommy ay naging workaholic na ito at naiiwan si...