Chapter 10

4 0 0
                                    

Austin's POV

Pagkatapos ng klase ay di muna kami umuwi ni Kit ng bahay. Sinamahan ko na muna siya mag stay sa favorite niyang place. Sa park.

"Austin, sa tingin mo ba mukha akong babae?" Basag niya sa katahimikan. Tumawa nalang ako sa kaniya.

Kahit di niya sabihin ay ramdam ko ang tunay niyang pagkatao. Kung ano ang tunay niyang nararamdan. Pero syempre di muna ako magpapahalata na alam kung ano talaga siya.

"Anong nakakatawa" tanong niya sa akin ng di ako makasagot dahil sa pagtawa ko.

"Ba't mo naman tinatanong to?" Natatawa pa ring sambit ko.

"Eh, bakit ba kasi ako yung pinili ng adviser natin na maging lead para sa sayaw? Tapos yung boys kailangan pang magpanggap na babae." Sabi niya na habang malayo ang tingin. "So, bakit sa tingin mo na ako yung pinili ng teacher natin?" Dagdag pa niya sabay harap sa akin.

"Maybe, he believes that you're better than girls." Sagot ko para lumakas yung loob niya.

"Like how?" Sabay kain niya ng popcorn.

"Like what you did for me." Bigla Kong sambit na ikinagulat niya at naging dahilan para mag eyes to eyes kaming dalawa.

Maging ako ay nagulat din sa sinabi ko. Ngumiti naman siya pero ako medyo nahihiya. Kaya't pinili Kong tumayo para maka-iwas sa kahihiyang ginawa ko.

Pero teka, ano tong nararamdaman ko? Ba't parang bumibilis yung tibok ng puso ko?

*FAST FORWARD*

Ngayong araw ay napagdesisyunan naming magbabarkada na mamasyal muna. Since wala namang pasok sa first and second subject.

Pagbaba ko nakita ko si Kit na abala sa pagluluto. Kaya't nagtungo ako sa kaniya para silipin kung ano yung niluluto niya.

"Ang bango naman." Sambit ko mula sa kanyang likuran dahilan para mapapitlag siya.

"Kinabahan ako sa'yo Austin. Kala ko kung sino lang. Teka, mauna ka nang maligo dahil sabi ni Minerva na dapat on time tayo." Sabi niya habang nilalagyan ng konting asin ang paborito naming adobo.

"Hayaan mo sila. Kakain mo na ako ng masarap mong adobo." Tiningnan niya ako ng may kunot sa noo kaya napahagalpak ako ng tawa.

"Oh, siya ako muna yung maliligo. Busog pa naman ako kaya ikaw na muna kumain." Bigla niyang hubad ng kaniyang apron at umakyat na para maligo.

Ako naman nagpakabusog muna sa masarap niyang adobo.

Kit's POV

Medyo na late kami ng konti dahil Kay Austin. Pano ba naman kasi ang tagal tagal maligo.

"In fairness, ang galing niyong tumupad sa usapan." Biglang salubong ni Minerva sa amin. At kasama niya din sina Fidel at Veronica.

"Mabuti nga, tumupad pa." Sambit naman ni Austin. Halatang naiinis na naman.

"Tama na nga yan!" Saway ni Veronica.

"Oo nga. Narito tayo para mag shopping. The Mall the Merrier." Birong sabi ni Fidel kaya't lahat kami nagtasitawanan.

Malapit lang yung mall sa school namin. May mga ilang kapwa estudyante din ang nandito. Wala rin naman kasing pasok sa first and second subject.

Nagpunta sinabi Minerva at Veronica sa may mga dress habang si Fidel at Austin naman ay masayang nagkukulitan dahil sinusuot nila yung mga wig. At ako naman ay nagtungo sa may mga jewelry.

Habang tumitingin ako sa mga nag gagandahang mga alahas ay may dalawang pares ng singsing ang umagaw sa aking pansin.

"Excuse me, can I take a look at these ring?" Tanong ko sa saleslady.

"Sure." Sabay kuha ng dalawang pares ng singsing. "This ring are meant for lovers. This the last ones ring in our store and also our best seller." Dagdag pa ng saleslady.

Hinawakan ko yung singsing at tiningnan ito ng mabuti.

"Magkano po yung dalawa?" Tanong ko saleslady.

"25,000"

Kinuha ko yung wallet ko pero ten thousand lang yung narito at cheque lang yung nandito. Mabuti na lang at nakita ko si Austin na papalapit sa direksiyon ko.

"Austin." Tawag ko sa kaniya ng makalapit na siya.

"Bakit?" Tanong niya sa akin at tiningnan yung hawak kong singsing.

"Pede bang makahiram ng 25,000 sayo? Ten thousand lang kasi yung nadala ko." Sambit ko.

"Wala din akong ganong kahalagang pera." Sagot niya.

So wala akong ibang choice kung hindi ay magpa change ng cheque ko.

"Sandali lang po huh? Pa change ko lang yung cheque ko." Baling ko saleslady at tumango naman siya.

"Ahm. Kit, puntahan ko lang sinabi Minerva, Veronica at Fidel." Paalam ni Austin.

***After 2 minutes***

Pagbalik ko ay nagulat ako na wala na doon yung simgsing na bibiluhin ko sana.

"Excuse me miss, about sa singsing na bibilhin ko. Nasaan na po?" Naguguluhang tanong ko sa saleslady.

"Sorry sir, pero may bumili na po kani-kanina lang." Sagot ng saleslady.

"Pero, bat parang ang bilis naman po." Sambit ko.

"Sorry po talaga Sir." Mahinahomg sabi ng saleslady.

Umalis akong malungkot dahil wala naman na akong magagawa. Ang pinagtataka ko lang ay kung sino yung taong bumili ng singsing? At bakit ang bilis?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Brother's Romance (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon