Chapter 9

3 0 0
                                    

Kit's POV

Hanggang ngayon, ay parang panaginip pa rin sa akin ang lahat. Ang pinagtataka ko lang ay kung paano niya nalaman ang birthday ko at ang araw nang pagkamatay ng papa ko? Ito sana yung mga katanungan na gusto kung malaman mula kay Austin.

Pero natatakot ako na baka magalit na naman siya.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Austin mula sa likod.

Gising na pala siya.

"Ahm. Austin, paano mo nalaman na birthday at araw ng kamatayan ng papa ko kahapon?" Lakas loob kong sabi sabay harap sa kaniya.

Kinusot-kusot niya muna ang kanyang mata bago bumaling sa akin.

"Sinabi sa akin ni Dad" sambit niya.

"Ah okay." Yun na lang yung sinagot ko dahil baka humaba pa at bagong gising pa naman. Magwala pa to sa akin.

"Mauna na ako sayo maligo ah?" Sabi ko. Tumango nalang siya at umalis na ng kwarto.

*FAST FORWARD*

"Good morning sir." Bati naming lahat ng pumasok ang adviser namin na si sir Vincent.

"Good morning my dear student too." Abot tenga niyang sambit.

"I have an announcement to make, so listen carefully. Next month, there will be a school's open house and every classes must take part unconditionally for our performance. I've got an idea and I can guarantee you this that this performance is will be the best ever! Because this performance is not an ordinary one, after all." Dagdag ni sir na naging dahilan para maging maingay ang klase namin.

"So what exactly will be performing?" Tanong naman ni Minerva na halatang kanina pa nakikipag chismisan kay Fidel dahil sa school' s open house na sinasabi ni sir.

"The Filipino traditional Folk Dance." sabi ni sir at umakto pa ito ng pause na ginagaya ang mga mananayaw bago mag umpisa ang sayaw.

"FOLK DANCE?"gulat na sabi ng aking mga kaklase.

"No way!" Natatawang sabi ni Fidel.

"Pero sir palagi na naming sinasayaw ang folk dance simula noong mga bata pa kami. So how come na naging kakaiba ito sa lahat?" Reklamo naman ni Minerva.

"Listen carefully. It is extraordinary because it will also feature a male dancer. To sum it up, ang boy ay magiging girl sa sayaw." Sabi ni sir Kay Minerva habang may pa'facial expression pa ito.

"At sino naman ang lalakeng gusto ditong sumayaw ng pambabae?" Naguguluhang tanong ni Minerva Kay sir.

"I have already chosen our guy." Inilibot niya ang kanyang paningin hanggang sa dumako ang kanyang mga mata sa akin.

"Mr. Kit Villalon. You are the prettiest boy in this classroom. So you'll have to lead the dance for the sake of our classroom." Sambit ni sir na ikinagulat ko ng masyado. At agad namang nag sitinginan ang mga kaklase ko sa akin. Pero ang mas lalo kong ikinagulat ay ang pagtawa ng malakas ni Austin sa tabi ko.

"AKO?" Turo ko sa sarili ko. "Pero sir, di ako marunong sumayaw."

"It is not a problem. Dancing can be taught." Sambit ni sir.

"Sir, may alam ko kung sino ang mas bagay na sumayaw para sa traditional folk dance. And I'm very proud to recommend Fidel." Bigla niyang turo Kay Fidel na ikinatawa naman ng marami.

"Kung kaya kong mag lead ng folk dance, I'm sure mas magaling ka kaysa sa akin." At biglang hinawakan ni Fidel ang ulo ni Minerva. Kaya't nagmukha tuloy silang aso't pusa na nagrarambulan.

Nagtatawanan naman yung mga kaklase ko. Samantalang ako, he to at iniisip pa rin kung ano ang gagawin ko. Di rin naman ako makakatanggi. Hayst!

------------------------------------------------------
Author's Note:

Pleas follow me para updated ka sa story ko. Thanks!

My Brother's Romance (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon