Chapter 4

10 0 0
                                    

Kit's POV
Nagising ako dahil sa tunog ng aking alarm clock. Tiningnan ko yung kama ni Austin kaya lang mukhang bumangon na ata. Nasan na kaya siya?

Kaya inayos ko na muna yung higaan niya dahil gusot. Mukhang di niya ata to inaayos.

Pero nagulat ako ng lumabas mula sa banyo si Austin. Napalunok agad ako ng laway dahil half naked siya. Kaya't ibinaling ko ang paningin ko sa ginagawa ko.

"Bat ka naglilinis? Alam mo bang ang taong malinis ay yun ang mga unang namamatay?" Sambit niya sa akin at bigla niyang kinuha yung tuwalya niya mula sa pagkakaipit sa kanyang bewang.

Kaya't agad-agad akong lumingon sa likod upang di ko makita yung hubad niyang katawan.

"Austin, pede bang magbihis ka na" Bigla kong sabi sa kanya.

"This is my room. At gagawin ko ang lahat kung ano man ang gusto ko. At isa pa parehas naman tayong lalaki ah." Sagot niya sakin mula sa likod.

Hays. Ano ba to?

"Eh, kahit na. Di pa rin kasi ako sanay na may nagbibihis sa harapan ko na kumpletong nakahubad." Sambit ko.

"Kung di mo matiis, eh di umalis ka. Feel free. Nakabukas ang pinto para sayo."  Sabi niya at tinapon niya yung tuwalya niya sa kama.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa may kama. Kinuha niya ata yung school uniform niya. Habang ako ay tumakbo papuntang banyo upang maligo.

Binilisan ko yung pagligo ko at minadali ko na rin yung paglilinis sa kwarto ni Austin, dahil sasabay  ako sa kanya papuntang schoool. Napagdesisyunan ko kagabi na magiging slave niya ako hanggang sa matanggap niya ako bilang kapatid.

Hinabol ko si Austin dahil madali siyang maglakad. Nilalakad pa kasi namin hanggang sa makaratung kami papuntang sakayan.

"Pwede bang sa susunod ay bilisan mo? You're a waste of time." Inis niyang sabi sa akin.

"Pasensiya ka na Austin, nilinis ko pa kasi yung kwarto mo." Sagot ko ng nakayuko. Ayoko kasing makita yung kunot noo niyang expression.

"So, gusto mong palabasin na madumi at makalat ang kwarto ko?" Nabigla ako ng hinigit niya yung kuwelyo ng uniform ko.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin." Sagot ko sa kaniya kahit medyo nahihirapan ako magsalita kasi mahigpit yung hawak niya sa kwelyo ko.

"Gusto mo pa lang maging slave ko? O, heto hawakan mo. Mula ngayon gagawin mo lahat ng mga sasabihin ko, kung hindi lagot ka sa akin." Bigla niyang hinagis yung bag niya sa akin at binitawan yung pagkaka'kwelyo sa akin.

"Ano titingnan mo na lang ba ako? Sige na, pumara ka na ng kotse ng makasakay na ako. Bilisan mo." Dagdag pa niya.

Tumango na lang ako at agad-agad tumakbo upang pumara ng sasakyan.

Nang makapara na ako ng sasakyan ay sumakay na kami agad.

Hawak ko pa rin yung bag niya ng makarating kami sa school. Agad niyang pinatong yung ulo niya sa arm chair niya upang matulog. Kaya't hinayaan ko na lang siya at baka magalit pa.

Pumasok yung professor namin at nag lecture. Gaya ng ginawa ko dati ay pasimple kung kinuha yung notebook niya upang sulatan ng assignments at mga activities na gagawin.

Pagkatapos ng lecture namin ay sinundan ko siya sa canteen. Di muna kami kumain at pinahiwalay niya muna ako dahil nahihiya siya na kapatid niya ako.

Hanggang sa kami nalang dalawa ang natira sa canteen. Kumuha agad ako ng makakain namin. Magkahiwalay kaming kumain. At napansin kung di niya naubos yung pagkain niya at nauna siyang umalis.

Niligpit ko yung kinainan namin at dali-dali ko siyang sinundan. Pagbalik ko sa room ay kinalat niya yung balat na kinakain niya sa ilalim ng desk niya.

"Pulutin mo." Utos niya sa akin.

Agad kung pinulot yung kalat at tinapon sa basurahan.

Matapos yung lecture ng aming professor ay binilisan kung lumabas sa room upang ayusin ang sapatos ni Austin.

"Hoy. Hoy. Anong ginagawa mo?" Sabi ni Minerva ng makita niya na ako yung nagsusuot sa sapatos ni Austin.

Biglang tinapon ni Minerva yung isang sapatos ni Austin at tiningnan ito ng masama.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Austin? Kapatid mo si Kit. Oo hindi mo siya kadugo pero wala kang karapatan na ganyanin siya." Pagtatanggol  ni Minerva sa akin.

"Pwede ba. Mind your own business would you?" Galit na sabi ni Austin Kay Minerva.

"Fuck you, Austin." Palaban naman na sabi Minerva.

"Pede ba tama na." Singit ni Veronica na kaibigan ni Minerva.

"Pero Veronica, hindi tama yung ginagawa ni Austin." Sagot ni Minerva Kay Veronica.

"Whatever he's doing, it's none of your business. At isa pa labas ka na dito."  Sambit ni Veronica sa kaibigan niya.

Magsasalita pa sana si Minerva kung kaya't inunahan ko na siya.

"Tama na. Huwag na kayong mag-away nang dahil lang sa akin.. At isa pa ako naman ang may gusto na gawin ito."Bigla silang tumingin sa akin.

"Pero Kit." Sabi ni Minerva pero hindi ko na lang siya pinansin.

Kinuha ko yung sapatos ni Austin at isinuot ito sa kaniya. Marami na rin ang nakikiusyuso.

"Bat mo to ginagawa Kit?" Concern na sambit naman ni Veronica mula sa likod ko.

"Halika na nga Minerva, pumunta na lang tayo dun." Hila ni Veronica Kay Minerva at saktong tapos ko na rin yung ginagawa ko kay Austin.

Aalis na din sana ako ng...

"Thanks." Sambit ni Austin mula sa likod ko na ikinagulat ko.

"Anong sabi mo?" Gulat na tanong ko at hinarap siya.

"I said thank you." Muling sambit niya at bigla siyang umalis.

Biglang lumundag yung puso ko dahil sa tuwa.

------------------------------------------------------
Author's note:
Don't forget to vote, comment and follow. Stay safe and stay at home. Thank you.

My Brother's Romance (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon