Chapter 5

10 0 0
                                    

Kit's POV

Masaya ang puso ko dahil sa wakas ay di na galit sa akin si Austin. At kanina ko pa pansin na tingin siya ng tingin sa akin.

Biglang tumayo si Austin mula sa kinauupuan niya at susundan ko na sana nang tawagin ako ni Minerva.

"Uy Kit." Tawag ni Minerva sa akin na medyo nahihingal pa.

"Bakit?" Baling ko sa kanya.

"Alam mo imbes na si Austin yung pag-aksayahan mo ng panahon ay sumama ka sa akin. May ipapakita ako sayo." Bago pa ako makapag protesta ay hinila na niya agad ako.

Dinala ako ni Minerva sa may lumang building ng school namin. Nakita ko ang nagkukumpulan na mga estudyante at mukhang may tinitingnan at todo yung hiyawawan ng mga girls.

"Anong meron?" Takang tanong ko Kay Minerva.

"Basta malalaman mo din." Sagot ni Minerva habang hawak pa rin yung kamay ko.

Nang makarating kami ay agad nakipagsiksikan si Minerva upang makapunta kami sa harap.

Isang grupo ng banda ang nakita ko. At ang mga girls ay di magkamayaw na maghiyawan dahil sa kilig pati ang mga boys ay nakikisabay din.

"Siya si John Lee Luna. My ultimate crush." Biglang sigaw ni Minerva na ang tinutukoy ay ang lead vocalist nang banda.

Gwapo at matangkad din yung lead vocalist. Kaya pala di matigil sa pagsigaw yung mga girls.

"In fairness ang galing niya." Sabi ko ng mapagtanto ko ng marinig ng klaro ang boses ng John Lee Luna na yon.

"Syempre kaya nga crush ko siya eh. Tingnan mo Kit, ngumingiti siya sakin. " sabay hampas ni Minerva sa kin nang dahil sa kilig.

"Anong oras na ba?" Hindi ako pinansin ni Minerva dahil busy Kay John Lee kaya't kinuha ko  yung kamay ni Minerva upang tingnan yung oras sa kanyang relo.

"Minerva, aalis na ako." Pagpapaalam ko kay Minerva.

"Ano? Aalis ka na? O, sige see you tomorrow then." Sagot ni Minerva at biglang tingin niya na naman kay John Lee.

Nahirapan ako bago makaalis dahil sa kumpulan ng mga estudyante. Pano ba naman hinila ako ni Minerva papunta sa harapan.

Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko si Austin na nagluluto. Mukhang wala pa dito sina Mommy at Daddy.

"Nasaan sila?" Tanong ko kay Austin na ang tinutukoy ay sina Mom and Dad.

"Just as the board says" sabay lingon niya sa nakasulat sa may pisara na dinikit sa pader.

Sabi sa sulat ay umalis sila dahil may business trip ito. At baka matagalan din bago sila makabalik. Nagpaalam din yung auntie ni Austin dahil uuwi muna ito sa probinsiya.

"Ganyan talaga dito sa bahay. At dapat masanay ka na. Nobody cares about me." Mahinahon na sabi ni Austin habang kinukuha yung nilulutong manok sa oven.

Naramdaman ko agad ang lungkot at sakit na pinagdadaanan ni Austin. Pero masuwerte pa rin ako dahil kahit nong nawala si daddy ay hindi pa din nawalan ng oras si mommy sa akin at binigay niya pa rin yung pagmamahal niya sa akin.

" Gusto mo bang ipagluto kita?" Nakangiting sambit ko kay Austin na ipinagtaka naman niya.

"Sure ka? Baka lasunin mo ko huh?" Isang ngiti ang ipinukol niya sa akin.

Actually, first time ko na makita na nakangiti siya. Kung kaya't nagsimula na ako sa pagluluto at tumulong naman si Austin sa akin.

Nasarapan siya sa niluto kung adobo dahil sa dami ng kanin na sinandok niya.

Hindi niya alintana na may isang butil ng kanin na naiwan sa gilid ng kanyang labi.

"Austin, meron kang ano." Nguso ko sa kaniya.

"Anong ano?" Takang tanong niya habang busy pa ding kumakain.

Bigla akong lumapit sa kanya at kinuha yung kanin sa gilid ng kanyang labi. Medyo napahiya ako ng mapagtanto ni Austin kung ano ang ginagawa ko sa kaniya dahilan para matigil siya sa pagkain.

"Sorry. Kinuha ko lang oh." Pagpapakita ko sa kaniya ng isang butil ng kanin.

Ngumiti lang siya ulit sa akin at nagpatuloy sa pagkain. Kaya't sinabayan ko nalang ulit si Austin sa pagkain.

------------------------------------------------------
Author's note:
Don't forget to vote, comments and follow. Thank you.

My Brother's Romance (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon