Chapter 8

6 0 0
                                    

Austin's POV

Tumakbo ako dahil naiinis ako. Parang ayokong may ibang nagbibigay sa kanya ng kung ano-ano. Gusto ko, ako lang.

Di ko alam kung ano na tong nararamdaman ko.

Nahinto ako sa pagtakbo ng magring yung phone ko. At nung makita ko sa screen si daddy pala yung tumatawag kaya't sinagot ko ito agad.

"What is it dad?" Sagot ko habang hinahabol yung hininga ko dahil sa pag takbo.

"Austin, today is Kit's Birthday. But it's also the day that his real father died. I just want to say to take care of Kit." Nagulat ako sa sinabi ni daddy.

Birthday ngayon ni Kit? Bakit hindi ko alam?

Kaya't agad akong umuwi ng bahay ng malaman ko kaagad ito mula Kay daddy. I'm sure mag-isa lamang siya ngayon lalo na sa mismong kaarawan niya ay ang pagkamatay ng pinakamamahal niyang papa.

Kit's POV

Maagang natapos yung klase namin. Di na rin pumasok si Austin at iwan ko kung saan na yun nagpunta.

And today is an unforgettable day of mine. Dahil sa araw na ito, ay kaarawan ko. At ito rin yung araw na nawala sa buhay ko ang pinakamamahal kung papa.

"Bye, Austin." Sambit ni Minerva at nag wave siya sa akin as a sign na aalis na siya.

"Bye. Ingat ka." Nakangiting sagot ko sa kaniya.

Walang nakakaalam sa birthday ko maliban Kay mommy. Syempre nanay ko yun.

Napagdesisyunan ko na hindi muna ako uuwi ng bahay. Gusto kung magpunta sa isang lugar na kung saan tahimik at isa pa baka mainit pa yung ulo sa akin ni Austin.

Austin's POV

Agad akong nagtungo sa kwarto baka nandun si Kit, pero nang buksan ko ito ay wala pa siya.

Naupo muna ako sa kama at nahagip ng mata ko yung picture frame ni Kit kasama yung papa niya. At bigla kung kinuha yung litrato na nasa frame.

Umalis agad ako para hanapin siya.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siyang mag-isa sa may park. Kaya't nilapitan ko siya.

"Kit." Tawag ko sa kaniya. Mukhang nagulat siya kung bakit nandito ako.

"Austin. Paano mo malaman na--" pero bago pa man siya makasagot ay pinutol ko na yung sasabihin niya.

"Ba't di mo sinasabi sa akin kung saan ka pupunta? Dapat man lang sinasabihan mo ako." Sambit ko sa kaniya.

Kinuha ko yung litrato niya kasama ng daddy niya mula sa aking bulsa at pinakita ko ito sa kaniya.

Lumapit siya sa akin at bigla niyang tiningnan yung hawak Kong litrato. Ramdam ko yung lungkot at sakit na nararamdaman ni Kit.

"I'm sorry. I just knew that today is your birthday and today is---" putol niya sa sinasabi ko.

"Please, don't say anything about him." Malungkot niyang wika.

Napansin kong naluha siya. Kaya't lumapit ako sa kaniya. Para matigil siya sa pagluha.

"Hey don't cry Kit." Agad Kong pinahid ang luhang kumawala mula sa kanyang mga mata.

Di ko alam pero bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Huwag mo nang isipin yun." Sambit ko habang nakayakap pa rin ako sa kaniya. Gusto ko siyang i-comfort.

"I understand. Galit ka pa ba sa akin Austin?" Sabi ni Kit.

Bigla akong kumawala sa pagkakayakap kay Kit at hinarap ko siya.

"Next time, don't do like this again. Okay? Di mo alam kong gaano mo ako pinag-alala." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Im sorry." Nakangiting sagot niya.

Biglang nagtama yung paningin namin sa isa't-isa. Naglapit yung mukha naming dalawa. Di ko alam pero biglang lumundag yung puso ko. Masaya yung puso ko.

Nakita kung nakapikit siya kaya natawa na lang ako.

"That's enough. Others may think that we are gay couple now." Pag basag ko sa ginagawa namin.

"C'mon let's go home." Sabi ko at bigla ko siyang inakbayan.

Pero bago kami umuwi dinala ko muna siya sa restaurant para kumain. At celebrate na rin to para sa birthday niya.

My Brother's Romance (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon