Austin's POV
Maaga akong nagising upang maghanda papuntang paaralan. At isa pa, ayokong makita yung bagong pamilya dito sa bahay.
Kaya't nagmadali akong lumabas ng bahay para di nila ako maabutan.
Pagpasok ko sa room, bumungad sa akin ang kaibigan kung si Fidel na busy sa pag ayos ng kanyang bangs.
"Ang aga natin pre, ah." Sabi niya sabay akbay sa akin.
"I smell something fishy." Dagdag pa ni Minerva na todo ang make-up na kulang nalang ay imbetahin sa isang children's birthday party para gawing clown.
"Tss. Pede ba manahimik kayo. At isa pa pwede bang bumitaw ka nga sa akbay mo Fidel sa akin." Sabi ko sabay bitaw niya agad sa pag-akbay sa akin.
"Pero bat parang moody ka ngayon?" Tanong ni Minerva.
"Hoy, taba di mo ba narining ang sabi ni Austin? Huwag kang maingay. Mag make-up ka na lang diyan." Pambabara naman ni Fidel kay Minerva.
"Wow, hiyang-hiya naman ako sa bangs mo. Para kang naputol na tipaklong." Birit naman ni Minerva Kay Fidel.
Sasagot pa sana si Fidel nang...
"Ahemm. Enough with chit chatting kids. Good morning. Welcome to this new semester. I am Vincent De Maculangan and I will be your adviser." Pagpapakilala niya.
"And a Lady boy." Dagdag ko at bigla naman nagtawanan ang mga kaklase ko.
"Shut up. Mr? Ano pangalan mo?" Turo niya sa akin.
"Bat di mo tingnan yung attendance mo, Sir?" Pilosopo kung sagot.
"Gosh. Today is the day of my first class. At ayoko ng mga walang modo. Well, anyways, you have a new classmate. Actually, dapat ay hindi siya dito mapupunta sa section na ito but he insist because he wants to study and get along with his brother."
Matapos ng mahabang speech ni sir ay biglang nagbulungan ang mga kaklase ko, dahil curios sila kung sino yung kapatid na tinutukoy ng adviser namin.
Pero ako, may hint na ako kung sino siya. Tsss. Nakakainis.
"Hi. My name is Kit Villalon. I'm a transferee. I hope we can be friends." Sabi niya at biglang tingin at ngiti sa akin.
"Mr. Austin, your left seat is occupied. Am I right? So, I would like your brother sit next to you." Sabi ni sir na medyo ikinagalit ko.
Agad namang nagbulungan ang mga kaklase ko. Pati si Fidel at Minerva ay nakita kung nakiki- usyoso din kaya't binigyan ko sila ng beast-mode-look.
Naupo naman sa tabi ko si Kit, ang taong pinaka hate ko. At sa tingin niya ay papansinin ko siya. Hindi noh.
Kaya't imbes na makinig sa lecture ng adviser namin ay lumabas ako. Gusto kung magpahangin kasi naaalibadbaran ako sa kapatid ko.
BINABASA MO ANG
My Brother's Romance (BxB)
Ficção AdolescenteSi Austin David, ay kilalang playboy, aggressive, foul-mouth and hot-tempered. May marangyang buhay ngunit sabik pa rin sa pagmamahal at atensiyon ng kanyang daddy. Simula kasi nung namatay ang kanyang mommy ay naging workaholic na ito at naiiwan si...