Kit's POV
Nakakalungkot lang isipin na hindi pa rin ako. Kami. Tanggap ni Austin. Pero kahit ganun pa man hindi pa rin ako susuko.
"Good morning, class." Nabalik ako sa realidad ng pumasok na ang aming susunod na teacher.
"Good morning, sir." Bati naming lahat kay sir, except kay Austin. Hanggang ngayon nakadungaw pa din siya sa may bintana simula ng pumasok siya sa classroom.
Nakakatawa ang teacher namin dahil sa mga jokes niya habang nagdi'discuss. Lahat masaya, maliban kay Austin. Kanina pa siya tulala. Alam kung nasasaktan pa rin siya sa mga nangyayari.
Pasimple kong kinuha yung notebook niya ng hindi niya namamalayan. Kinuha ko ito, para sulatan sa assignment namin para bukas.
Hanggang sa tumunog yung bell, which means na tapos na yung klase. Ang iba nagpalakpakan pa.
Napansin ko naman na parang nagmamadali si Austin.
"Hey, Austin san ka pupunta? Hintayin mo ako." Sabi ng kaibigan niya na si Fidel ata yung pangalan.
Naiwan ako mag-isa sa room. Parang kinakahiya ako ni Austin. Kaya't naisipan ko na umuwi na lang agad sa bahay. Total wala naman akong gagawin at wala pa naman din akong masyadong kaibigan.
Pagkauwi ko sa bahay saktong nakita ko sina mommy at daddy na nasa sala at nanonood ng news sa TV.
"How's school?" Tanong sa akin ng step dad ko ng mapansin niya ako.
"Okay naman po." Sagot ko, pero ang totoo ay HINDI.
"Nasaan si Austin? Bat di mo siya kasama?" Baling naman ni mommy nang mapansin niyang hindi ko kasabay si Austin.
"Ahm. May lakad pa ata sila ng barkada niya." Pagsisinungaling ko. Actually, hindi ko naman talaga alam kung saan siya pupunta at kung sino ang kasama niya.
"O, siya sige kumain ka na at pagkatapos magpahinga ka. I'm sure napagod ka sa first day of class mo." Tapik sa akin ng step dad ko.
Mabait naman pala yung step-dad ko. Sana si Austin, balang-araw ay matanggap niya rin kami.
Pagkatapos kung kumain at maghalf-bath ay nagtungo na ako sa kwarto ni Austin. Dito muna ako pansamantala matutulog habang inaayos pa ang kwarto ko.
Pagkabukas ko ng pinto ay wala pang tao. So, wala pa din hanggang ngayon si Austin. Ano na bang oras? Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto niya. At isang litrato ang nakakuha sa atensiyon ko.
Isang batang lalake habang karga ng kanyang ina. Pamilyar sa akin ang litrato, at ng mapagtanto ko ay si Austin pala ang batang lalalaki. Masaya siya at halatang walang puwang pa sa mundo.
"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Napapitlag ako ng marinig ko ang boses ni Austin. Hindi rin ako nagpahalata na nilagay ko yung picture sa mesa.
"Sabi ni Dad, dito lang muna ako pansamantala habang inaayos pa yung kwarto ko." Sabi ko na medyo kinakabahan.
"Cut the crap." Galit na sabi niya sa akin at sa tingin niya na nagsisinungaling lang ako.
"Totoo ang sinasabi ko. Kahit itanong mo pa Kay dad." Halatang nangangamba na sabi ko.
Tiningnan niya muna ako ng masama at...
"Fine. Just don't get in my way." Padabog niyang tinapon yung bag niya.
"Diyan ka matulog sa baba. That's your space. And this bed is mine." Dagdag niya pa at sabay alis niya. Galit na naman.
Pero sa huli di ko din napigilan ang aking luha na kanina pa gustong kumawala.
------------------------------------------------------
Authors note:
Please don't forget to vote, comment and follow me. Thank you.
BINABASA MO ANG
My Brother's Romance (BxB)
Teen FictionSi Austin David, ay kilalang playboy, aggressive, foul-mouth and hot-tempered. May marangyang buhay ngunit sabik pa rin sa pagmamahal at atensiyon ng kanyang daddy. Simula kasi nung namatay ang kanyang mommy ay naging workaholic na ito at naiiwan si...